Kinokondena ng maraming netizens ang ginawa ni Gyalwa Rinpoche, na kinikilala bilang 14th Dalai Lama, dahil sa video na kuha sa Dharamshala, ang winter capital ng Himachal Pradesh, India, noong February 2023.
Si Dalai Lama ang pinakamataas na espirituwal na lider at pinuno ng bansang Tibet mula pa noong 1940
Makikita at maririnig sa video ang mga sinabi ng Dalai Lama sa batang Indian na lumapit sa kanya at inutusan niyang halikan siya sa pisngi.
Sumunod ang bata sa utos ng 87-year-old Nobel Peace Prize winner na niyakap at hinalikan niya.
Maya-maya, itinuro ng Dalai Lama sa bata ang kanyang labi at sinabing, "Then I think finally here also."
Hinawakan ng Dalai Lama ang baba ng bata at hinalikan ito sa labi, kasunod ang linyang "And suck my tongue."
Sinundan niya ito ng paglalabas ng kanyang dila habang nagtatawanan ang mga tao sa paligid.
Nangyari ang insidente dalawang buwan na ang nakalilipas, pero ngayon pa lamang ito napagtuunan nang husto ng pansin dahil nag-viral na ang video.
Pinaratangan ng ilang nakapanood ng video ng "paedophile" at tinawag ng masasakit na salita ang Dalai Lama dahil sa hindi naangkop na ugali na ipinamalas nito sa publiko.
Ngayong Lunes, Abril 10, 2023, humingi ng paumanhin ang tanggapan ng Dalai Lama at mababasa ito sa official social media accounts na nakapangalan sa kanya.
Nakasaad dito: “A video clip has been circulating that shows a recent meeting when a young boy asked His Holiness the Dalai Lama if he could give him a hug.
“His Holiness wishes to apologize to the boy and his family, as well as his many friends across the world, for the hurt his words may have caused.
“His Holiness often teases people he meets in an innocent and playful way, even in public and before cameras. He regrets the incident.”
Sa kabila ng public apology ng Dalai Lama, nagpatuloy ang mga kritisismo laban sa kanya mula sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo na hindi matanggap ang inasal niya.
Sabi ng isang nagkomento: “There is no excuse for this behaviour. I am shocked and horrified, this will affect that child forever and is a public display of paedophilia from someone in a position of immense power and an apparently religious person, exceptionally worrying.”
Ayon pa sa isa: “Absolutely uncalled for and extremely inappropriate. There is no excuse for such behaviour especially from someone who holds such rank and should know that our young are pure and knows the sanctity of same. With greater knowledge comes greater responsibility! Shameful!”
Komento naman ng isa: “How are people defending this? As a parent, I found the video to be sickening! The boy was clearly uncomfortable, no laughing/playful matter on his part. The only person who benefited from that was an adult taking advantage of a child!.”