Puwedeng gawing pelikula ang kuwento ng buhay ng kontrobersiyal na entertainment personality dahil dalawa ang kinikilala niyang ama.
Nasa grade school na ang entertainment personality nang malaman nito ang katotohanang hindi sila magkadugo ng ama na kanyang kinalakihan.
Natuklasan lamang ng entertainment personality ang masakit na katotohanan nang sumailalim siya sa DNA test dahil may mga pagdududa sa panig ng mga kamag-anak ng kinikilala niyang tatay.
Nang lumabas ang resulta ng DNA, napatunayang hindi niya totoong ama ang lalakeng napamahal sa kanya dahil inalagaan at minahal siya bilang tunay na anak.
Ayon sa kuwento, nagdadalantao na ang ina ng entertainment personality nang magkaroon ito ng relasyon sa lalakeng kanyang pinakasalan.
Walang kamalay-malay ang lalake na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis na sanggol ng kanyang pinakasalang babae.
Napilitan na ang ina ng entertainment personality na aminin ang katotohanan at ipakilala ang anak sa kanyang biological father, na buong pusong tinanggap ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Bukod sa accurate result ng DNA test, kamukhang-kamukha ng entertainment personality ang ex-boyfriend ng kanyang ina kaya hindi maipagkakailang mag-ama sila.
Nagkaroon ng maligayang pagtatapos ang muntik nang maging malungkot na buhay ng entertainment personality dahil nagkabalikan at nagsama ang kanyang mga magulang.
Kahit napalayo ang entertainment personality sa adoptive father nito, maayos pa rin ang relasyon nila dahil sa kanilang magandang samahan noong maliit na bata pa siya.