PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bit Players: Ibinulgar na Katauhan ng Artista

Showbiz personality, hindi umano totoong mabait sa mga ekstra
by Jojo Gabinete
Published Apr 11, 2023
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Pinabulaanan ng dalawang movie extra ang paniniwala ng marami na makatao at malaki ang simpatiya ng kilala at nirerespetong showbiz personality sa maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Maraming beses nang nakasama ng dalawang bit player ang iginagalang na artista sa mga pelikula.

Ayon sa kanila, mabait lamang ang showbiz personality kapag nasa harap ito ng mga kamera.

Pero sa tunay na buhay, hindi umano nakikihalubilo sa mga bit player ang entertainment personality. Lumalabas lamang daw ito mula sa kanyang dressing room kapag kukunan na ang mga eksena niya.

Hindi rin daw basta malalapitan ng sinuman ang showbiz personality na tumatangging magpakuha ng litrato na kasama ang mga ekstra sa pelikula.

Sinabi ng mga nakausap ng Cabinet Files na nawala ang paghanga nila sa entertainment personality dahil "showbiz na showbiz" ito sa kilos, salita, at gawa.

“Ibang-iba ho ang ugali niya sa tunay na buhay. Hindi siya katulad ng ibang mga veteran actor na nakikisalamuha, nakikipagkuwentuhan, at nauunang bumati sa amin kapag nagkikita kami sa set,” hinaing ng mga bit player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagreklamo rin ang mga ito na malaki ang nabawas sa kanilang mga talent fee kaya hindi na sila pumapayag maging extra sa mga proyektong tinatampukan ng showbiz personality.

Ikinuwento ng mga movie extra na dati-rati, P1,500 ang talent fee na natatanggap nila para sa shooting na nagsisimula ng 6 a.m. at natatapos kinabukasan, 4 a.m.

Pero mula sa P1,500, bumaba raw sa P700 ang talent fee na gustong ibayad sa kanila para sa halos isang araw na shooting sa pelikulang pinagbibidahan ng showbiz personality, kaya tinanggihan nila ang alok na maging bahagi ng proyekto.

Ayon pa sa mga nakausap ng Cabinet Files, kung marunong lang makipagkapwa-tao ang showbiz personality, maaaring tinanggap nila ang movie project bilang pakikisam. Pero ramdam na ramdam daw nila ang pagiging mapagpanggap ng personalidad na kanilang tinutukoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results