Ang hindi inaasahang nominasyon niya sa best actor category ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) ang isa sa mga hindi makalilimutang karanasan ng South Korean actor na si Yoo Min Gon.
Si Yoo Min Gon ang leading man ni Bela Padilla sa Yung Libro sa Napanood Ko.
"I never expected to be nominated," nakangiting pahayag ni Yoo Min Gon.
Read: Korean actor Yoo Min-gon, napaluha sa premiere ng pelikula nila ni Bela Padilla
Dinaig ng Korean actor ang ibang mga Pilipino dahil pinanood daw niya ang walong pelikulang kalahok sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.
“I saw all eight movies. They were all good,” sabi niya.
Nakatakdang bumalik si Yoo Min Gon sa South Korea sa Biyernes, Abril 14, 2023, pero nangako siyang babalik sa Pilipinas na nagustuhan niya nang husto ang kultura, mga pagkain, at magandang ugali ng mg Pilipino.
Hindi lamang si Yoo Min Gon ang aalis sa Pilipinas dahil babalik na rin si Bela sa London sa darating na Lunes, Abril 17.
Hindi lamang ang promo ng Yung Libro sa Napanood Ko ang pinagkaabalahan ni Bela dahil habang nasa bansa ito, nakatapos siya ng isang pelikula — ang Wish You Were The One, ang reunion movie nila ng kanyang perennial partner na si JC Santos.
Si Bela ang bida, sumulat ng kuwento, at direktor ng Yung Libro sa Napanood Ko.
Ipinagmalaki ni Bela ang kanyang production team dahil sa mga nominasyong natanggap ng kanilang pelikula.
“I am very proud of our team.
"Personally, I’m thankful we have this MMFF. It feels like the film industry is alive again after the pandemic so I’m very hopeful for the next projects, for the amount of films coming out again.
“Sana magtuluy-tuloy, sana taun-taon na yung Summer MMFF.
“The first day was slow for everyone as I was checking, but parang noong Day 2 pumapalo, so I’m happy.
"Parang sa unofficial tally, we’re number two, so hopefully magtuluy-tuloy.
“Mas gusto kong kumita ang lahat ng producers kasi we have to always support the Filipino films para hindi madala ang mga producer at para ganahan pa silang mag-produce ng good quality na pelikula,” lahad ni Bela nang makausap siya ni MJ Marfori ng TV5.