PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada, nagsimula nang mag-taping para sa 'Face 2 Face'

Kilalanin ang bagong Trio Taga-payo ng face 2 Face.
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2023
karla estrada face 2 face
Karla Estrada is the new host of TV5's “Barangay hall on-air program” Face 2 Face.
PHOTO/S: @karlaestrada1121 on Instagram

Naganap ang unang araw ng taping ni Karla Estrada bilang host ng Face 2 Face, ang “Barangay hall on-air program” ng TV5, noong Martes, April 11, 2023.

Ang Face 2 Face ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Tropang LOL at mapapanood simula sa May 1, 2023.

Read: Amy Perez, tinanggihang mag-host muli ng Face To Face sa TV5?

Co-host ni Karla ang stand-up comedian at scriptwriter na si Alex Calleja.

Magkakaroon ng mga show sa Amerika si Alex sa susunod na buwan kaya puspusan ang taping nila para sa mga episode ng kanilang programa.

face 2 face

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Amy Perez ang original host ng magbabalik-telebisyon na palabas ng Kapatid Network. Sina Atty. Persida Acosta, Dr. Camille Garcia, at Fr. Jerry Tapiador naman ang Trio Taga-payo na nagbibigay ng mga payo at pinagkakasundo ang dalawang panig na may alitan.

Sa orihinal na miyembro ng Trio Taga-Payo, tanging ang psychologist na si Dr. Garcia ang makakasama nina Karla at Alex sa bagong kabanata ng Face 2 Face.

Sina Atty. Lorna Kapunan at Bro. Jun Banaag aka Dr. Love ang ipinalit kina Atty. Acosta at Fr. Jerry Tapiador.

Nakilala si Atty. Kapunan bilang celebrity lawyer dahil siya ang tagapagtanggol ng ilang celebrities na nasasangkot sa mga kaso gaya nina James Yap, Dr. Hayden Kho Jr., at Nadine Lustre.

Ang Face 2 Face ang unang TV show ni Bro. Jun Banaag sa TV5 matapos niyang magpaalam sa ABS-CBN Teleradyo noong Disyembre 2022.

Dalawampu’t apat na taong napakinggan sa DZMM ang radio program ni Bro. Jun, na lumipat din noong Disyembre 2022 sa Radyo5, ang FM radio station ng TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magkakaiba ang mga personalidad at pananaw nina Atty. Kapunan, Dr. Garcia, at Bro. Jun tungkol sa iba’t ibang mga isyu kaya inaasahang malaki ang magiging kontribusyon nila sa Face 2 Face na susubok sa kakayahan ni Karla bilang host at mediator ng mga nagbabangayang bisita.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada is the new host of TV5's “Barangay hall on-air program” Face 2 Face.
PHOTO/S: @karlaestrada1121 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results