PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria Love Scene Workshop

Joshua Garcia, ano ang reaksiyon sa bansag na "Higop King"?
by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2023
joshua garcia jodi sta. maria kissing scene
Joshua Garcia on much-talked about kissing scene with Jodi Sta. Maria in the teaser of 'Unbreak My Heart': “Wala pa yon. Paglabas ng ibang mga eksena, baka mas magulat silang lahat. Masaya lang ako kasi nga ang daming nag-view, ang daming nakakita, and I’m sure, kapag mas marami pa yung nakakita, mas marami ang makakapanood."

"Yun ba ang tawag nila?"

Ito ang nakangiting reaksiyon ni Joshua Garcia sa bansag sa kanyang "Higop King" dahil sa kissing scene nila ni Jodi Sta. Maria sa inilabas na unang teaser ng Unbreak My Heart, ang drama series na joint project ng GMA Network at ABS-CBN.

Read: Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, Gabbi Garcia topbill GMA and ABS-CBN groundbreaking series "Unbreak My Heart"

Gumawa ng ingay at pinag-usapan ang naglalagablab na eksena nila ni Jodi, pero ayon kay Joshua, mas marami pa ang dapat abangan ng publiko.

joshua garcia jodi sta. maria kiss

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng Kapamilya actor, “Wala pa yon. Paglabas ng ibang mga eksena, baka mas magulat silang lahat.

“Masaya lang ako kasi nga ang daming nag-view, ang daming nakakita, and I’m sure, kapag mas marami pa yung nakakita, mas marami ang makakapanood.

"Parang ito na ulit yung pagbabalik ko sa free TV."

Ipinagtapat ni Joshua na nagkaroon sila ng sensuality workshop ni Jodi para sa kanilang mga love scene sa Unbreak My Heart.

Lahad niya, “Actually, meron kaming ginawang sensuality workshop with an international sensuality workshopper. And then, medyo detalyado kami sa lahat ng mga ginagawa namin.

“The way na hahawakan ka, kung gaano katagal. Paano mo hahalikan? May dila ba ito o wala?

“So, medyo strict kami dun, pero nagawa namin nang maayos. So, kung paano siya nakita, teknikal lahat ‘yon.

“Tumatawa na lang kami after, kasi in that scene, umiinom kami ng beer so medyo nag-loosen up na kami. Naka-ilang takes din kami. Okay naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing ni Joshua na isang magandang karanasan ang sensuality workshop nila ni Jodi na dapat na subukan din ng ibang mga artista, sa ngalan ng professionalism.

"Magandang experience kasi before, kapag gumagawa ako ng kissing scene, sina Janella [Salvador sa Darna], wala siyang... alam mo yung goal ng scene. Halimbawa, dapat mas intense yung kiss mo pero walang break.

“Dito kasi, parang unlimited. Mas gusto ko yung ganito na propesyunal na ginagawa. Propesyunal yung pagkakagawa, yung pagkaka-mount ng eksena.

“It’s [sensuality workshop] very important, especially now. I think dapat nga mapagdaanan ng ibang artista.

"Kasi nga, parang ngayon, minsan kapag humahalik ka, nadadala ka ng emosyon. Parang nawawala ka na sa eksena. Sumosobra na pala, lumalabas na yung dila mo… OA na.

“And I think, kailangan siya ng lahat, especially right now, kasi ngayon parang grabe na. Wala nang limit yung halikan ngayon,” pahayag ni Joshua nang makausap siya ng Cabinet Files sa promo shoot ng Mga Kaibigan ni Mama Susan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapapanood ang Mga Kaibigan ni Mama Susa sa Prime Video simula sa May 18, 2023.

Trivia: Matagal nang ginagawa ng mga movie producer ang sensuality workshop para sa kanilang mga artista.

Noong 2003, naging kontrobersiyal ang sensuality workshop nina Diana Zubiri, Christian Vazquez, Francine Prieto, at Rodel Velayo para sa Liberated, ang sexy movie ng Seiko Films.

Naibalita kasi na mga hubad sila habang ginagawa ang sensuality exercises para mawala ang mga malisya nila sa katawan.

Anim na taon pa lamang si Joshua noong 2003 kaya hindi niya alam na noon pa man, umiiral na sa local movie industry ang sensuality workshop para maging komportable ang mga artista sa kanilang mga nude at love scene.

Ang kaibahan lang, hindi na kailangan ng Seiko Films producer na si Robbie Tan na kunin ang serbisyo ng mga international sensuality workshopper dahil kayang-kayang gawin at higitan ng mga Filipino acting coach ang mga sensuality workshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on much-talked about kissing scene with Jodi Sta. Maria in the teaser of 'Unbreak My Heart': “Wala pa yon. Paglabas ng ibang mga eksena, baka mas magulat silang lahat. Masaya lang ako kasi nga ang daming nag-view, ang daming nakakita, and I’m sure, kapag mas marami pa yung nakakita, mas marami ang makakapanood."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results