Dapat magkaroon ng kontrol ang Miss Universe Philippines Organization sa mga larawan ng mga kandidata ng 4th Miss Universe Philippines na inilalabas ng mga iniimbitahan nila na "social media influencers" at photographers.
Ito ay para hindi malagay sa alanganing sitwasyon ang mga kababaihan na nangangarap na maging beauty queen.
Ginanap noong April 13, 2023 sa isang resort sa Boracay island ang swimsuit presentation ng 4th Miss Universe Philippines.
Nakakaawa ang ibang mga kandidata na binabatikos ang mga pisikal na kaanyuan dahil sa unflattering photos na kumalat sa social media matapos ang event.
(Official photos mula sa Facebook page ng Miss Universe Philippines Organization ang ginamit sa artikulong ito. Hindi isinali rito ang mga kuha sa mga kandidata na basta na lang ipinost ng iba sa social media. )
May mga kandidata na ikinukumpara ng mga mapanghusgang netizens sa transgender women ang physical appearance.
Pero tila nalilimutan nila na magaganda ang karamihan sa mga transwoman kaya masakit ang kanilang mga paratang na "mukhang bakla" ang ilan sa kalahok sa Miss Universe Philippines 2023.
Bilang proteksyon sa mga kaawa-awang kandidata, karapatan ng Miss Universe Philippines Organization na paalalahanan ang mga photographer at social media infuencers na iniimbitahan sa lahat ng kanilang mga pagtitipon.
Iwasan sana na maglabas ng unflattering photos ng mga contestant na hindi madali ang mga pinagdadaanan at paghahanda na ginagawa para sa inaabangang national pageant.
MORE STORIES ABOUT MISS UNIVERSE PHILIPPINES: