#EatBulagaWar
Naghihintay ang mga tagahanga ng Eat Bulaga sa mga pagbabago na magaganap sa longest-running television variety show ng bansa.
Kaya inaabangan nila ang opisyal na pahayag ng management ng TAPE Inc., ang producer ng programa na blocktimer sa GMA-7.
Dapat sana ay April 15, 2023 nakatakdang magpatawag ng presscon ang TAPE Inc.
Base ito sa eksklusibong pakikipag-usap ng Cabinet Files kay TAPE Inc. board treasurer at Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos noong Marso 6, 2023.
"As per board, we will have a presscon soon and answer all issues facing the company.
"At the same time, present new format na mangyayari agreed [upon] by all the executives," ang pahayag ni Mayor Jalosjos noon.
Pero walang media conference na naganap kahapon, April 15.
Noong April 13, sinabi ni Mayor Jalosjos na ililipat sa Lunes, April 17, ang pinaplano na presscon ng TAPE Inc. management.
Sabado, April 15, 2023, nakatanggap ang Cabinet Files ng bagong update mula kay TAPE Inc. board treasurer at Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos.
Sabi ni Mayor Jalosjos, press statement na lamang ang ilalabas nila dahil hindi na magkakaroon ng media conference.
"The management and talents have come to an agreement and will opt to have a press release, instead of presscon as to the new status of Eat Bulaga under new management,” ang bagong impormasyon mula kay Mayor Bullet.
Kung pagbabasehan ang pahayag ni Mayor Bullet, posibleng manatili sina former Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon bilang mga host ng Eat Bulaga.
Kaya mababale-wala ang mga haka-haka na iiwanan ng tatlo ang programa dahil sa loyalty nila kay Mr. Antonio Tuviera, isa sa mga executive ng TAPE Inc.
Kaabang-abang ang opisyal na pahayag na ilalabas ng bagong pamunuan ng TAPE Inc.
Magkakaalaman na kung totoo o hindi ang mga kumakalat na balita—na masyadong personal ang mga dahilan—kaya may mga co-host ng Eat Bulaga ang mawawala na ikagugulat ng mga tagasuporta ng programa, na isa nang institusyon sa Philippine television industry.
Related stories:
- Maja Salvador, aalis na sa 'Eat Bulaga!'; rebranding ng noontime show, di na tuloy?
- Meet Eat Bulaga! owner Romeo Jalosjos: The power that can shake up Philippine TV
- Tony Tuviera: Driving force behind Eat Bulaga!
- Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?
- EXCLUSIVE: Keempee de Leon on Eat Bulaga! war: "Sana maayos nila."