PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon, Xian Lim Film Shoot Starts

Ryza on Xian: "Parang natural na sa kanya na alamin lahat."
by Jojo Gabinete
Published Apr 16, 2023
Xian Lim and Ryza Cenon
Ryza Cenon on leading man Xian Lim: "Gusto niya i-explore lahat. Kailangan malaman niya lahat. Parang natural na sa kanya na alamin lahat."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Sa Muli

Nagpaalam si Ryza Cenon sa taping ng Kurdapya para makadalo sa media conference ng Sa Muli, ang period movie na tinatampukan nila ni Xian Lim at ipalalabas sa mga sinehan sa April 26, 2023.

Ang Kurdapya ang sitcom ng TV5 na pinagbibidahan nila nina Yassi Pressman at Marco Gumabao.

Umalis si Ryza sa taping ng Kurdapya dahil kung hindi siya dadalo sa presscon ng Sa Muli, si Xian at ang direktor na si Fifth Solomon lamang ang haharap sa entertainment writers.

"Kawawa naman si Xian kung siya lang mag-isa," ang natatawa na sabi ni Ryza.

WHEN THE PROJECT STARTED

January 2020 nang magkaroon ng story conference sina Ryza at Xian para sa Sa Muli.

Nagsimula ang shooting nila noong February 2020, pero nahinto dahil sa coronavirus pandemic.

Nang umpisahan nila ni Xian ang kanilang pelikula, walang kamalay-malay si Ryza na buntis na siya sa kanyang anak na si Night, na isinilang niya noong October 31, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa ako buntis noon. Natatandaan ko na nasa shooting kami sa Quezon province nang mag-announce na magkakaroon ng lockdown noong March 15, 2020 dahil sa COVID-19.

"Sinabi talaga namin, bilisan natin, baka hindi tayo makauwi. Baka ma-stranded tayo," balik-tanaw ni Ryza.

ON SHOOTING AGAIN

Nagsisimula pa lamang ang pagbubuntis ni Ryza nang tumigil ang shooting ng Sa Muli.

At nang ipagpatuloy ang naudlot na pagsasapelikula, kasama na niya si Night sa shooting sa Taal, Batangas.

"Kasama ko ang anak ko so every time na break time, lunch time or dinner break, bumabalik ako sa room to check on my son," ani Ryza.

Personal niyang inaasikaso si Night dahil hangga’t maaari, hindi niya ipinauubaya sa yaya ang pag-aalaga sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONDING WITH XIAN

Kinunan ang mga eksena ng Sa Muli sa lalawigan ng Quezon at sa Taal, Batangas.

Ayon kay Ryza, marami silang bonding moments ni Xian on and off cam.

"Si Xian, hindi siya kuntento sa yun lang. Gusto niya i-explore lahat. Kailangan malaman niya lahat. Parang natural na sa kanya na alamin lahat.

"Si Xian, nagba-vlog siya sa set. Kumakain kami ng mga street food tapos magsasabi kami ng critique sa food."

Xian Lim and Ryza Cenon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tatlong karakter na mula sa iba-ibang henerasyon ang ginampanan niya sa Sa Muli—may 1900, 1950, at sa kasalukuyang panahon.

"Nahirapan ako sa 1950s character kasi yung body language nila, may mga ibig sabihin. Pati ang paggamit ng pamaypay, may mga kahulugan.

"Talagang inalam namin lahat para tama yung mga ginagawa namin," ani Ryza.

Related stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on leading man Xian Lim: "Gusto niya i-explore lahat. Kailangan malaman niya lahat. Parang natural na sa kanya na alamin lahat."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Sa Muli
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results