Naghiwalay na ng landas si Maui Taylor, 39, at ang ama ng kanyang dalawang anak na lalake.
Ayon sa reliable source ng Cabinet Files, nangyari ang breakup ng dalawa bago sumapit ang Mahal na Araw.
Tuluyan na raw natuldukan ang kakaibang living arrangement nina Maui at ng partner nito.
MAUI'S REVELATION LAST JANUARY
Noong January 27, 2023, ipinagtapat ni Maui sa panayam ng Cabinet Files na sampung taon na ang pagsasama nila ng non-showbiz guy sa iisang bubong
Pero ang twist: matagal na silang walang relasyon.
READ: Maui Taylor, hiwalay na sa ama ng kanyang mga anak pero nagsasama pa rin sa iisang bahay
Ikinuwento ni Maui na tumagal ng pitong taon ang kanilang pagsasama bilang couple, pero ang sumunod na tatlong taon ay hindi na talaga sila ng lalaki.
Sabi noon ni Maui, "We’re co-parenting. We’re in one house, but I sleep in a different room.
"Matagal nang ganoon ang set-up. Walang pakialaman. No questions asked. Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang.
"Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three wala na," pag-amin noon ni Maui.
Walang kamalay-malay ang dalawa nilang anak na hindi na nagmamahalan ang kanilang mga magulang.
Paliwanag ni Maui, "In front of the kids, we act normal. Kumbaga, sa dinner table, small talk, usap.
"Siguro nagtataka sila kung bakit ako nasa kabilang room. Ang sinasabi ko na lang palagi is may vertigo ako. May vertigo naman talaga.
"Ang sinasabi ko lang, malikot silang matulog, hindi ako makakatulog, mahihilo ako. So, maggu-good night lang sila sa gabi."
Aminado na noon si Maui na wala na raw siyang pagmamahal sa dating karelasyon niya.
WHAT LED TO THE END OF THEIR LIVING ARRANGEMENT?
Sinusubukan ng Cabinet Files na kunin ang panig ni Maui tungkol sa desisyon nito na wakasan na ang kasunduan nila ng kanyang ex-partner na magsama sa isang bubong.
Lalo pa't matagal na panahon ding isinalang-alang ng ex-couple ang mararamdaman ng dalawang anak na gusto nila na mamuhay nang normal at kumpleto ang pamilya, kahit wala na silang nararamdaman na pagmamahal para sa isa’tisa.
More hot stories on PEP.ph:
- Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS
- Sunshine Cruz denies her group caused bumping of other Bali-bound passengers from business class
- Kyle Echarri mourns death of sister Isabella: “I just got a new angel.”
- Bianca Lapus recalls "pinakamasakit na pinagdaanan" because of Vhong Navarro's ordeal