PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia, nagbalik-tanaw sa nag-viral na Santacruzan photo niya

"Hinila lang nila ako noon. Ayoko kasi ng mga ganoon, nahihiya ako."
by Jojo Gabinete
Published Apr 18, 2023
joshua garcia santacruzan
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Facebook

Nasa taping si Joshua Garcia ng Unbreak My Heart sa Switzerland nang mag-viral ang kanyang litratong kuha mula sa isang Santacruzan na idinaos sa Bauan, Batangas, noong 2012.

Read: Old sagala photo of Joshua Garcia goes viral

Tandang-tanda pa ng Kapamilya actor ang buong pangyayari.

Ikinuwento ni Joshua sa Cabinet Files na napakamahiyain niya noon at napilitan lamang siyang maging konsorte sa Santacruzan na kanyang nilahukan.

“Hinila lang nila ako noon. Ayoko kasi ng mga ganoon, nahihiya ako.

"Pero that time, parang importanteng tao yung pamilya nila doon.

“Hinila nila ako… second year high school ako noon. Mga 12 or 13 years old ako at the time.

"Nakikain lang ako after. Piyestahan kasi yon!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Joshua sa panahong mahiyain pa ito.

joshua garcia santacruzan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya nga raw akalaing darating ang araw na papasok siya sa showbiz.

“Hindi mo rin masasabi kung ano ang puwedeng mangyari. Sinasabayan ko lang ang agos kung saan ako dalhin,” sabi ni Joshua tungkol sa naging kapalaran niya mula sa pagiging mahiyaing bata hanggang kilalanin siya bilang showbiz heartthrob.

Read: Joshua Garcia, aminadong nakabalik sa showbiz dahil sa TikTok

Nakausap ng Cabinet Files ang 25-year-old actor sa promo shoot niya para sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, ang pelikulang kanyang pinangungunahan at mapapanood sa Prime Video simula sa May 18, 2023.

Ang kagustuhang kumita ng sariling pera ang dahilan ng pag-aartista ni Joshua, pero nagbago raw ang pananaw nito tungkol sa kanyang propesyon nang gawin niya ang pelikulang Barcelona noong 2016.

Saad niya, “Yun ang time na nagseryoso na ako. Grabe na ngayon ang passion ko sa acting. Parang outlet ko na rin siya sa mga pinagdadaanan ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung mahal ko ngayon pero gusto kong mag-business. Gusto ko makagawa ng sariling business ko.

“Sa ngayon, wala pa, kasi alam ko na kailangan ko pang mag-aral.

“Kulang pa ako sa kaalaman. Ayokong pasukin ang isang bagay na hindi ko siya ganoon kaalam.”

High school graduate si Joshua at hindi na nagkaroon ng pagkakataong makapag-enroll sa college dahil naging abala na siya sa kanyang mga showbiz commitment.

May plano pa ba siyang bumalik sa pag-aaral?

Sagot ni Joshua, “Crash course lang sa business. Maraming crash course na puwedeng pasukin, mabilis na ngayon.

“Naka-graduate ako ng high school. Actually, hindi ko siya natapos bago mag-PBB [Pinoy Big Brother] pero paglabas ko ng PBB, tinapos ko.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results