PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PPop Gen's Charlene & Madz: Youth Inspiration

Charlene Mae Lopez, naranasang maging eksta sa musical-variety shows ng GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Apr 21, 2023
charlene mae lopez madz red ppop generation
Charlene Mae Lopez (left) and Madz Red (right) are two of the members of PPop Gen, the reconfigured all-girl Pinoy pop group of Viva Records.

Sina Charlene Mae Lopez at Madelaine "Madz" Red ang dalawa sa pitong miyembro ng PPop Gen na may magandang kuwento na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang nagnanais matupad ang kanilang mga pangarap maging mang-aawit.

Ang PPop Gen ang reconfigured all-girl Pinoy pop group ng Viva Records. Mula sa apatnapu’t lima (45), pinili ang pito sa mga pinakamahuhusay para maging permanenteng miyembro.

ppop generation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang pagpapanggap na sinabi ni Charlene na “ekstra” ang tawag sa kanya noong sinubukan niyang maging bahagi ng audience gallery ng mga musical-variety program ng GMA-7.

Kabilang si Charlene sa mga Class A talent o ekstrang madalas ipinupuwesto sa unahan ng audience gallery dahil ang mga kagaya niya ang madalas tinututukan ng mga TV camera.

Para sa trabahong nagsisimula ng alas-otso ng umaga at natatapos kinabukasan ng madaling-araw, nakakatanggap daw siya ng talent fee na P2,000.

“Kapag Class A talent ka po, sa front ka nakalagay. May mga Class B po at Class C.

"Inilagay po ako sa Class A, nasa harap kami at kami mismo ang tinututukan ng camera. Kami yung sinasabihan ng [floor director] ng ‘O, taas kamay!’

“Graduate na po ako ng senior high school nang magsimula akong ekstra sa audience gallery. Nagraket-raket ako kasi may classmate akong nagte-taping din so sinabi ko sa kanya na isama rin niya ako para may ganap ako sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung taping namin, talagang minsan madaling-araw. Ang call time is 8 a.m., minsan dalawa hanggang tatlong tapings. Natatapos na kami ng madaling-araw, pero may service van naman po at sagot nila [ng production] ang food,” kuwento ni Charlene tungkol sa buhay niya bilang ekstra sa audience gallery ng mga television show, isang uri ng umiiral na trabaho na hindi masyadong alam ng publiko.

Dahil maganda at may singing talent, nakapasa si Charlene nang mag-audition ito bilang miyembro ng PPop Gen. Maligayang-maligaya siya dahil napapanood na rin siya ngayon sa entablado ang dating nakikita lamang na ekstra sa audience gallery.

“Sobrang happy ako. Kumbaga, dati, nakikita ko lang yung mga artista na nagpe-perform sa stage. Sinasabi ko na sana ganyan din ako soon soon, so ibinigay naman sa akin ni Lord.

“Hindi ko akalain na nagpe-perform na ako sa harap ng mga tao, napapanood na ako sa TV ng parents ko, ng mga kaibigan ko. Grabe ang nangyari sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pala ganoon kadali. Ang dami mong pagdadaanan para makuha mo yung gusto mong mangyari sa buhay mo, sa pangarap mo,” mangiyak-ngiyak na salaysay ni Charlene nang makausap siya ng Cabinet Files.

Naging madali naman para kay Madz Red na pumasok sa showbiz dahil tatay niya ang production designer na si Danny Red, na kamag-anak ng mga mahuhusay na direktor na sina Raymond at Jon Red.

Ang The Inmate, ang pelikula nina Ara Mina at Sid Lucero noong 2007, ang isa sa mga pelikulang ginawa ni Madz noong child star pa siya.

“Ako po noong bata pa ako, nag-a-acting na po ako sa mga short film at indie films dahil yung family ko po, mga direktor, yung dad ko po, production designer, si Danny Red po. Palagi niya akong sinasabihan na, ‘Mag-artista ka. Malaki ang bayad diyan!’

“Meron po akong isang film with Ara Mina and Sid Lucero, seven years old po ako noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung eight years old po ako, nahilig ako sa pagkanta kaya nag-voice lessons po ako,” kuwento ni Madz tungkol sa pagsisimula ng kanyang acting at singing career.

Malaki ba ang talent fee na ibinayad sa kanya ni Raymond Red?

“Ay, si Tito Jon Red po ang nagbayad sa akin ng malaking talent fee!” natawang bulalas ni Madz.

Ang "Hanggang Tingin Ka Lang" ang single na ipino-promote sa kasalukuyan ng PPop Gen, na nagsalita nang tapos na hinding-hindi mabubuwag ang kanilang grupo dahil hindi sila naghahangad na magkaroon ng solo career.

Ang sexy star na si Denise Esteban ang isa sa mga original member ng PPop Gen, na nagtatanghal sa Teatrino pero nahinto dahil sa coronavirus pandemic. Ito ang dahilan kaya nagpasya siyang magkaroon ng solo career at mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto niya sa Vivamax.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charlene Mae Lopez (left) and Madz Red (right) are two of the members of PPop Gen, the reconfigured all-girl Pinoy pop group of Viva Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results