PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo umaming may weight gain issue sanhi ng hypothyroidism

Bea, inamin ding na-diagnose siya with polycystic ovary syndrome
by Jojo Gabinete
Published Apr 22, 2023
Bea Alonzo
Sa kanyang YouTube vlog entry ngayong Sabago ng gabi, April 22, 2023, inamin ni Bea Alonzo na na-diagnose siya with hypothyroidism, na naging sanhi na pagdagdag ng kanyang timbang.
PHOTO/S: Bea Alonzo on Facebook

Kaswal na inamin ni Bea Alonzo na nadaragdagan ang timbang nito dahil sa hypothyroidism na nangangahulugan na hindi aktibo ang thyroid gland niya na hindi makapag-produce ng sapat na thyroid hormone kaya hindi normal ang metabolismo ng kanyang katawan.

Ipinagtapat ni Bea ang kasalukuyang kundisyon ng kalusugan niya sa kanyang YouTube vlog na in-upload ngayong Sabado nang gabi, Abril 22, 2023

“Aside from having PCOS [polycystic ovary syndrome], I recently was diagnosed with hypothyroidism so that’s the reason behind my gaining weight,” ang rebelasyon ni Bea tungkol sa kanyang pagtaba na napansin ng mga tao.

“I’m trying to address it now by working out, by dieting and taking meds for it and supplement. So wish me luck, sana matapos na siya.

“So mga nagsasabi diyan, bakit ang taba na daw ni Bea, yun po yung reason. Pasensya na kayo,” ang pahayag ni Bea na inihingi ng paumanhin ang kanyang pagtaba kahit hindi kinakailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Bea ang karagdagan sa listahan ng mga Filipino entertainment personality na may hypothyroidism dahil ganito rin ang medical condition ni Shaina Magdayao at ng singer na si Moira dela Torre.

May problema rin sa thyroid si Angel Locsin kaya tumaba ito samantalang gaya ni Bea, isiniwalat ni KC Concepcion noong May 2020 na PCOS din ang dahilan ng pagbabago ng kanyang timbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang YouTube vlog entry ngayong Sabago ng gabi, April 22, 2023, inamin ni Bea Alonzo na na-diagnose siya with hypothyroidism, na naging sanhi na pagdagdag ng kanyang timbang.
PHOTO/S: Bea Alonzo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results