PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie Teleserye Victim of Bullying

Clue: Sikat ang programa.
by Jojo Gabinete
Published Apr 24, 2023
blind item about newbie and powerful personality
Parang "bukas, luluhod ang mga tala" ang kuwento ni Newbie TV Personality except that mayaman siya sa totoong buhay.
ILLUSTRATION: Igi Talao

Maikukumpara sa kuwento ng mga pelikula at teleserye na punung-puno ng drama ang personal na karanasan ng Newbie Television Personality or NTP.

Dumanas siya ng mga pasakit at pahirap mula sa isang kasamahan, na itatago natin sa pangalang Powerful Personality or PP, sa programa, pero sa huli, siya ang nagtagumpay.

"Makapangyarihan" si PP dahil ang lahat ng desisyon nito ang nasusunod kaya kinatatakutan siya ng kanyang mga katrabaho sa mga programang hawak niya.

Nang maging bahagi ng programa si NTP, tila naging threat ito kay PP kaya lalong tumindi ang pang-aabuso niya sa pansamantalang kapangyarihan na ipinahiram lamang sa kanya.

Hindi pinayagan ni PP ang bagong pasok na si NTP na makihalubilo sa ibang mga artista ng programa, at saksi ang lahat ng mga empleyado sa pagtataray niya sa pobreng si NTP.

Pero gaya ng takbo ng kuwento sa mga pelikula o teleserye, hindi nagtatagal ang kasamaan dahil darating at darating ang panahon na mangingibabaw ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba't nagtatagumpay ang mga mapagkumbaba at ang mga inaapi?

Si NTP, kung tutuusin, ang mas powerful.

At siya na nakatikim ng mga pangmamaltrato mula kay PP ang nabigyan ng kapangyarihan, at tulad ng mga klasiko na kuwento ng gulong ng palad, ang dating inaapi ang nasa ibabaw ngayon at ang nang-api ang nasa ilalim.

Muntik nang matanggal sa trabaho si PP.

Bukod dito, hindi na matagalan ng mga kasamahan sa programa ang ugali at pagmamalabis sa kapwa ni PP.

At dumating ang panahong si PP naman ang umiiyak siya na nagmakaawa, nangakong magbabago at gagawin ang lahat para mapunuan ang kanyang mga pagkukulang.

At gaya ng katapusan ng mga kuwento sa mga pelikula at teleserye na madadrama, nabigyan ng hustisya ang mga bidang inapi ng kontrabida.

Nagyon, parang mabait na tupa na sumusunod si PP sa mga kagustuhan ni NTP, na kahit inapi ay piniling hindi maghiganti at pairalin na lang ang kabutihan kaya siya ang tunay na pinagpala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang "bukas, luluhod ang mga tala" ang kuwento ni Newbie TV Personality except that mayaman siya sa totoong buhay.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results