PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fil-Am singer daw pinangmaulto ng staff ni Vice |

Garth Garcia at iba pang local singers, sinigawan ng personal assistant ni Vice.
by Jojo Gabinete
Published Apr 26, 2023
garth garcia vice ganda concert
Fil-Am singer Garth Garcia after alleged maltreatment from the assistant of Vice Ganda: “Baka naliliitan sila sa amin na parang gutom lang kami makakanta. Alam naman nila yon. They’re in the production, even the smallest role, dapat mabait sila, especially when you’re visiting a foreign country. Hindi ka naman tagarito. Ikaw ang dapat maging polite."

May mensaheng nais iparating ang Filipino-American singer at concert producer na si Garth Garcia sa isang tauhan ni Vice Ganda na hindi umano makatao ang trato sa kanya at iba pang local singers na front act sa VGFul, ang show ni Vice na ginanap sa Yaamava’ Resort & Casino sa Highland, California, noong Linggo, April 23, 2023.

Read: Vice Ganda confronts couple for pulling his wig at Canada concert: “That’s very disrespectful.”

Kabilang si Garth sa mga special guest sa VGful. Bahagi ng kanyang partisipasyon ang pagbebenta ng tickets para matiyak na magiging matagumpay at marami ang tatangkilik sa mga concert ng mga Filipino artist na bumibisita sa Amerika.

Lahad niya sa exclusive interview ng Cabinet Files, “Kapag igine-guest nila ako, hindi na ako nagpapa-tag na front act.

"Sa concert ni Vice, special guest ako, kaya I was there as a special guest, not a front act.

“That’s the reason kaya kinukuha ang mga local artist bilang front act, pagbebentahin sila ng tickets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako naman, modesty aside. If I join as an artist, kinukuha ako ng mga producer kasi alam nila, I bring people.

“May talent fee ako na natatanggap and then may percentage sa tickets.”

U.S. resident na si Garth mula pa noong 2017. Nagtapos siya ng Masters degree sa Harvard Business School at may dalawang negosyo sa Amerika—ang Starlink Promotions na producer ng mga concert, at ang kanyang medical business, ang Doctors On the Go, kaya maituturing na sideline lamang niya ang pagkanta.

Ang kawalan ng dressing room para sa kanya at sa front act artists ni Vice ang unang napansin ni Garth nang dumating siya sa concert venue kaya nagtipun-tipon ang lahat sa dining area.

Pagbabahagi niya, “Pagdating sa venue, walang dressing room pati para sa ibang artists na tagarito. Ang mga gamit namin, nasa dining area.

“Sinita kami ng tauhan ni Vice. Sinabihan kami na, ‘Bakit nandito ang mga gamit niyo? Tanggalin niyo dito. Bakit kayo dito tumatambay? Kakain na yung mga dancer!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang tone niya is pasigaw!”

Pagpapatuloy ni Garth, “Of course, wala silang ibinigay na dressing room kaya nasa dining area ang local talents.

"Sobrang disregarded, disrespected yung mga local artist. Parang nandoon lang kami to sell tickets, and that’s it.

“When I posted it, hinulaan kaagad ng friends ko, mga big star, big singer na, ‘I know who you are referring to kasi nakaaway ko rin yan,’ and all that.

“Sabi ko, notorious na pala ito. Same din sa other producers sa ibang leg ng concert at local artists who also experienced that.”

Ang Starmedia Entertainment ang producer ng concert ni Vice, pero ang Amor Yu Productions ang presentor nito.

vgful poster

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas nakaranas daw ng matinding panghihiya si Garth sa pangalawang pagkakataon nang matapos ang pagtatanghal ni Vice.

“After ng concert ni Vice, since last leg na yon, nagkaroon ng celebration.

“Kumakain kami ng isang kaibigan ko na chef who owns a restaurant in California, isa rin siya sa mga guest, front act din.

“One of the production staff ng Starmedia, tinawag kami to celebrate with Vice.

“Dun talaga kami mas na-offend kasi nung tinawag kami to celebrate with the entire crew, of course, nag-join kami.

“Nung nakita kami ng personal assistant ni Vice, sinabihan kami ng 'Alis! Alis! Alis kayo dito!' Pasigaw, pataray.

“Maybe she’s thinking na baka magpa-picture kami kay Vice.

"Wala naman akong plano dahil I was told before na, 'Be careful sa assistant ni Vice, naninigaw yan so huwag kayong magpa-picture during the show.' So, aware ako.'

“Kasi ako, as a producer din, ayoko rin yung ibang mga artist pasok nang pasok sa dressing room ng main artist. There’s a time for that, so we don’t have plan na magpa-picture kay Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinawag lang kami doon to celebrate with the entire production and, yun nga, binugaw kami na parang langaw, [like] we don’t belong there,” himutok ni Garth.

Nagulat daw si Garth sa nakakahiyang pagtataboy sa kanila kaya hindi siya nakapagsalita.

“Hindi na kami nakasagot, na-shock na kami. Sabi ko sa sarili ko, 'What the f*ck?'

“Nakita ko yung family ko sa labas. Sabi ko, 'Hala, totoo ba itong ginawa niya sa amin?'

"She’s very rude to think na sila ang mga bisita rito. Dapat sila ang humble or polite. This is not your territory. Hindi mo naman place ito.

"It’s bad. Maybe she’s thinking na baka magpa-picture kami kay Vice."

Dahil sa hindi magandang karanasang ito, wala na umanong plano si Gartch na mapabilang sa mga susunod na show ni Vice sa Amerika.

Pero nilinaw ni Garth na wala siyang isyu kay Vice kundi sa personal assistant lamang nito.

Saad niya. “Most probably, hindi na. Ayoko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Vice, he’s okay naman, pero hindi siya nagha-hi to any of the local artists. Hindi naman siya nag-hi, hello.

“Usually sa experience ko, I also produce concerts, yung main artists, very grateful sila sa mga front act, sa mga local artist kasi kahit papaano, they help sa production.

“Nagbebenta sila ng tickets dahil ganoon ang kalakaran dito. You cannot perform dito if you don’t help sell tickets"

Ayon pa kay Garth, “Nakapag-produce na ako ng shows for Lani Misalucha, Jed Madela, Nina, Jay-R, Jaya for my Starlink Promotions, and okay ang experience ko sa kanila.

"Yung iba nga sa kanila, walang mga assistant. Si Lea Salonga, she’s very approachable."

Mensahe pa niya: “It’s very easy to be polite. Just be nice to everybody.

"Hindi mo naman kilala yung mga tao all the time. Baka naliliitan sila sa amin na parang gutom lang kami makakanta.

“Alam naman nila yon. They’re in the production, even the smallest role, dapat mabait sila, especially when you’re visiting a foreign country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ka naman tagarito. Ikaw ang dapat maging polite."

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ng kampo ni Vice Ganda kaugnay ng pahayag ni Garth Garcia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fil-Am singer Garth Garcia after alleged maltreatment from the assistant of Vice Ganda: “Baka naliliitan sila sa amin na parang gutom lang kami makakanta. Alam naman nila yon. They’re in the production, even the smallest role, dapat mabait sila, especially when you’re visiting a foreign country. Hindi ka naman tagarito. Ikaw ang dapat maging polite."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results