PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza Death Hoax Statement

Ivy Vicencio: "Huwag po sila basta maniniwala sa mga balita."
by Jojo Gabinete
Published Apr 27, 2023
gardo versoza death hoax
Ivy Vicencio, wife of actor Gardo Versoza (in photo), on death hoax about the actor: “Alam ko pong hindi lang naman si Gardo ang biktima ng mga ganyang balita. Pero sana, mag-isip-isip muna ang mga tao na gumagawa niyan. Ang hirap din i-explain sa mga anak namin kung bakit may mga ganyang isyu na buhay pa yung tao, pinapatay na ng iba.”
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube

Walang katotohanan ang balitang kumalat ngayong Huwebes ng gabi, April 27, 2023, na pumanaw ang aktor na si Gardo Versoza.

Mariing pinabulaanan ng asawa ni Gardo na si Ivy Vicencio ang fake news na ikinagulat nila dahil sa mga taong tumatawag sa kanila at nagtatanong.

“Okay na okay po si Gardo. Nandito po siya ngayon, kasama ko. Nagdi-dinner kami tapos biglang may mga tumatawag sa akin," kuwento ni Ivy nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files tungkol sa balitang ikinabahala ng mga tagasuporta ni Gardo.

“Nagulat din po kami,” sambit pa ng misis ng aktor.

Pumayag si Ivy na maglabas ng ulat ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) para linawin ang fake news na pinaniwalaan ng mga hindi nakakaalam sa tunay na kalagayan ng kalusugan ng kanyang asawa.

Pahayag niya: “Huwag po sila basta maniniwala sa mga balita. Mas okay po na magbasa at makibalita sa mga reliable source.

“Alam ko pong hindi lang naman si Gardo ang biktima ng mga ganyang balita. Pero sana, mag-isip-isip muna ang mga tao na gumagawa niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hirap din i-explain sa mga anak namin kung bakit may mga ganyang isyu na buhay pa yung tao, pinapatay na ng iba.”

Nadawit sa pagkalat ng fake news ang veteran character actress na si Vangie Labalan dahil sa Facebook post nito ngayong Huwebes ng gabi.

Nakasaad dito: “Gardo Verzosa?”

Tanong ng isang FB friend ni Vangie: “Ano balita tita vangie kay Gardo Verzosa?”

Sagot ng veteran actress: “wala na.”

Pero sa mga sumunod na tanong kung totoo ang balita, sumagot si Vangie ng "parang hindi" at "not clear pa talaga."

vangie labalan post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang walang katotohanang balitang pumanaw si Gardo ang dahilan kaya popular search sa kasalukuyan sa social media ang kanyang pangalan.

May mga kababayan tayong mabilis na pinaniwalaan ang tsismis at hindi na inalam ang katotohanan dahil inatake sa puso at sumailalim si Gardo sa angioplasty procedure noong nakaraang buwan.

Read: Gardo Versoza suffers heart attack from "too much exercise"

Buhay na buhay si Gardo na muling sasailalim sa ikalawang angioplasty procedure kaya noong Martes, April 25.

Nag-post pa siya sa kanyang Instagram account tungkol sa mga gym equipment na ibinebenta niya.

Mensahe ng aktor: “For sale all in one gym equipment compact ideal for condo RFS. Need to raise funds for 2nd angioplasty procedure.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivy Vicencio, wife of actor Gardo Versoza (in photo), on death hoax about the actor: “Alam ko pong hindi lang naman si Gardo ang biktima ng mga ganyang balita. Pero sana, mag-isip-isip muna ang mga tao na gumagawa niyan. Ang hirap din i-explain sa mga anak namin kung bakit may mga ganyang isyu na buhay pa yung tao, pinapatay na ng iba.”
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results