PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ginoong TODA 2023 Winner Stuns with P40K Prize

Kesong Puti Festival sa Sta. Cruz, Laguna ibinalik makalipas ang tatlong taon.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2023
ginoong toda 2023
Napaluhod at napaiyak ang tricycle driver na si Paolo Sarabosing III nang tanghalin siya bilang Ginoong TODA 2023 sa Kesong Puti Festival ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna. Sa kaliwang larawan ay katabi ni Sarabosing ang mayor ng Sta. Cruz na si Egay San Luis.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi makalilimutan ng 28-year-old tricycle driver na si Paolo Sarabosing III ang 19th Kesong Puti Festival ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Siya ang hinirang na Ginoong TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) 2023 sa grand coronation na ginanap sa harap ng municipal town hall noong Miyerkules ng gabi, April 26, 2023.

Bago ito, huling idinaos ang Ginoong TODA noong 2019. Tatlong taon itong inihinto dahil sa coronavirus pandemic.

Muli itong ibinalik ni Sta. Cruz Mayor Edgar “Egay” San Luis bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga tricycle driver ng bayan na kanyang pinamumunuan.

Nang tawagin ang pangalan ni Sarabosing bilang Ginoong TODA 2023, umiiyak siyang napaluhod sa entablado dahil sa sobrang kaligayahan.

ginoong toda 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Forty thousand pesos at isang brand new tricycle, na donasyon ng former house representative at ABS-CBN News reporter na si Sol Aragones, ang ilan sa mga premyong natanggap ni Sarabosing.

ginoong toda 2023

Tinanong ng Cabinet Files ang dahilan ng kanyang pagluhod at paghagulgol ng iyak sa entablado.

Sagot ni Sarabosinhg: “Wala po akong sariling tricycle. Nakikipasada lang po ako kaya tuwang-tuwa ako dahil ako ang nanalo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paulit-ulit ang pasasalamat ni Sarabosing sa Panginoong Diyos, kay Mayor San Luis, at kay Caridad Lorenzo, ang chairperson ng Ginoong TODA 2023.

Labinlimang tricycle drivers ang lumahok sa Ginoong TODA 2023.

Nagpamalas sila ng kanilang mga talento sa pagkanta, pagrampa, at pagsagot sa question-and-answer portion.

May kandidatong sumayaw sa tugtog ng "La Bouche Be My Lover" habang nakasuot ng diaper.

May contestant ding kumain ng spaghetti gamit ang kanyang kamay at ipinakita ang dancing skills sa himig ng "The Spageti Song" ng Sexbomb Girls.

ginoong toda 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tricycle driver na ipinagmalaki ang husay sa magic, pero ang kandidatong magaling na ventriloquist ang pinaka-popular sa manonood at pinalakpakan nang husto.

ginoong toda 2023

Inilunsad ng pamahalaang bayan ang Kesong Puti Festival labinsiyam na taon na ang nakararaan para lalong pasiglahin at paunlarin ang industriya ng kesong puti na pinakapopular na produkto ng Sta. Cruz, Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gawa mula sa gatas ng kalabaw ang kesong puti, pero nitong mga nagdaang taon, naging malaking banta sa industriya ang pagbaba ng bilang ng mga kalabaw sa Sta. Cruz.

Sa ulat ng GMA Regional TV, nababawasan na ang mga bukid na pinagpapastulan ng mga hayop na pinagkukunan ng gatas.

“Kulang ang gatas kasi nga kokonti ang kakainan. Hindi na mapastulan yung ibang bukid dahil ginagawa nang subdivision,” pahayag ni Aling Eva del Mundo, isa sa mga kilalang gumagawa ng pinakamasarap na kesong puti sa Sta. Cruz, Laguna.

Dahil sa kakulangan ng mga kalabaw sa kanilang sariling bayan, umaangkat pa ng gatas ng kalabaw mula sa Magdalena, Laguna ang mga gumagawa ng kesong puti.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaluhod at napaiyak ang tricycle driver na si Paolo Sarabosing III nang tanghalin siya bilang Ginoong TODA 2023 sa Kesong Puti Festival ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna. Sa kaliwang larawan ay katabi ni Sarabosing ang mayor ng Sta. Cruz na si Egay San Luis.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results