PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nico Locco and Anne Jakrajutatip Reunion?

Nico Locco, may ibang pageant na ihu-host.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2023
nico locco anne jakrajutatip
Isinalarawan ni Nico Locco si Anne Jakrajutatip bilang "amazing," "down-to-earth," at "one-of-a kind person" dahil sa mga kabutihang ipinakita sa kanya nang manatili siya sa Thailand noong 2022 para sa mga trabahong tinanggap niya mula sa JKN Global Group.
PHOTO/S: @akoposinico on Instagram

Ang Philippine-based Canadian model-actor at host na si Nico Locco ang host ng Miss Universe Extravaganza na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong November 2022

Ang mga tauhan ng JKN Global Group ang pumili sa kanya.

Read: Catriona Gray at Anne Jakrajutatip, nagharap na sa unang pagkakataon

Ang Thai transgender woman at billionaire na si Anne Jakrajutatip ang founder ng JKN Global Group na isang multinational company sa Thailand, pero mas kilala siya ngayon bilang may-ari ng Miss Universe Organization.

Nakilala ni Anne si Nico nang magpunta ang model-actor sa Bangkok noong June 2022 para sa mga proyekto at guesting na ibinigay sa kanya ng JKN Global Group.

Nakita ng JKN ang husay ni Nico bilang host kaya siya ang inimbitahan para maging emcee ng Miss Universe Extravaganza na isang malaking event dahil dinaluhan ng mga nakaraang Miss Universe winners.

Darating sa Pilipinas si Anne sa susunod na buwan para dumalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 na magaganap sa Mall of Asia Arena sa May 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa panayam ng Cabinet Files kay Nico, sinabi niyang walang katiyakan kung magkakaroon sila ni Anne ng pagkakataong magkita nang personal.

Paliwanag niya, “Friends pa rin kami ni Anne, but in terms of my work going forward, medyo malabo dahil sa schedule ko and the fact that she’s based in Thailand.

"So, as of now, I’m sure nakita ninyo, I’m not a part of the roster for Miss Universe Philippines hosting.

“I will be hosting for Mister International Philippines this year, which is a male national pageant, so wala ako this time sa Miss Universe.

"Pero sana next year, I can go back to Thailand and work for JKN, fingers crossed."

Kabilang si Nico sa mga kalalakihang romantically linked noon kay Anne, pero lumitaw na haka-haka lamang ang lahat.

Si Nico ang lead actor sa Vivamax movie na AFAM.

Dahil nga sa mga busy schedule nila ni Anne, malabo rin umanong maimbitahan niya ang Miss Universe Organization owner na panoorin ang kanyang pinangungunahang sexy-comedy movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Probably not kasi sobrang busy siya. She’s the CEO of a public company as well as the owner of Miss Universe Organization so medyo hectic sa oras.

“And since I’m tied up with Mister International Philippines, and they’re actually falling on the same days as in months so I will be quite busy with Mister International Philippines.”

Isinalarawan ni Nico si Anne bilang "amazing," "down-to-earth," at "one-of-a kind person" dahil sa mga kabutihang ipinakita sa kanya nang manatili siya sa Thailand noong 2022 para sa mga trabahong tinanggap niya mula sa JKN Global Group.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isinalarawan ni Nico Locco si Anne Jakrajutatip bilang "amazing," "down-to-earth," at "one-of-a kind person" dahil sa mga kabutihang ipinakita sa kanya nang manatili siya sa Thailand noong 2022 para sa mga trabahong tinanggap niya mula sa JKN Global Group.
PHOTO/S: @akoposinico on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results