PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga, pinahiran ng icing sa last episode ng 'Tropang LOL'

Pahiran ng icing sa last episode ng 'Tropang LOL,' nagpaalala sa isyu ni Alex.
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2023
alex gonzaga mikee morada tropang lol
Sa "Beat The Who" segment ng last episode ng 'Tropang LOL' ngayong Sabado, April 29, 2023, ay pinahiran ni Mikee Morada ng icing sa noo ang misis niyang si Alex Gonzaga nang mali ang isinagot nito sa isang tanong.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

Muling sumagi sa isip ng mga nanood ng farewell episode ng Tropang LOL nitong Sabado, Abril 29, 2023, ang kontrobersiyal na video ng pagpapahid ni Alex Gonzaga ng cake icing sa mukha ng isang waiter noong Enero 15, 2023.

Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter

Bumisita sa farewell episode ng Tropang LOL ang asawa ni Alex, si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Sa "Beat The Who" segment ng noontime show, nagkamali ng sagot si Alex sa tanong. Bilang parusa, papahiran siya ng icing.

Si Mikee ang nagpahid ng icing sa mukha ng kanyang misis.

Dahil sa eksenang ito, nanumbalik sa mga manonood ang insidenteng nangyari noong January 15 kung saan dumanas at tumanggap ng matitinding batikos at paghuhusga ang TV host-actress.

Inihingi na ni Alex ng kapatawaran ang kanyang ginawa sa waiter na si Allan Crisostomo, ero tila hindi pa rin siya napapatawad ng mga taong nakisimpatiya sa waiter at mariing kinondena ang aksyon niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alex Gonzaga finally issues public apology: "I will rise from this a wiser and better person."

Hindi lamang si Alex ang pinahiran ng icing sa mukha sa katuwaang naganap sa Tropang LOL dahil napahiran din ang mga co-host niyang sina Bayani Agbayani, Wacky Kiray, at KC Montero.

THE LAST PRAYER

Bago tuluyang nagpaalam sa telebisyon ang Tropang LOL, nagdasal ang lahat tulad nang kanilang nakasanayan sa tuwing magtatapos ang programa nila.

Si Billy Crawford ang nanguna sa taimtim na pagdarasal.

Ito ang bahagi ng kanyang panalangin: “Mahal naming Panginoon, maraming-maraming-maraming salamat.

“Salamat po una sa lahat, iniligtas Ninyo po ang lahat ng nanonood ng programang ito sa sakit na COVID during the times na talagang naghirap ang Pilipinas, naghirap ang mundo po.

“Maraming bumitaw po sa Iyong pangalan pero itong programa po ay binuksan Ninyo para sa amin para ipaalaala ulit po na nandito Kayo na gumagabay po para sa aming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya salamat po Lord God na yung two and a half years po, binigyan Ninyo po kami ng pagkakataon makatulong sa kapwa, makilala ang kapwang katrabaho, masaktan, magmahalan, at magpatawad.

“Kaya Father God, yung prayer namin na ito po ay prayer ng pasasalamat. Salamat po sa pauli-ulit Ninyong patawad sa aming mga kasalanan at salamat po na binibigyan Ninyo po kami ng saya when there are dark times.

“Lord, thank You for shining Your light and giving Your love and grace to everyone who’s watching this show.

“We also pray na kung sino man po ang magpapatuloy ng timeslot na ito ay sana po makatulong ng hindi hamak din po sa mga kapwang nangangailangan.

“We thank You once again for our lives. We thank You for our struggles.

"We thank You for our failures and we thank You for Your forgiveness and we thank You for your love.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa "Beat The Who" segment ng last episode ng 'Tropang LOL' ngayong Sabado, April 29, 2023, ay pinahiran ni Mikee Morada ng icing sa noo ang misis niyang si Alex Gonzaga nang mali ang isinagot nito sa isang tanong.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results