PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kilalanin: Derick Lauchengco, Kaleb Ong, Patrick Roxas

Bagong campus heartthrobs na mamahalin!
by Jojo Gabinete
Published May 6, 2023
Derick Lauchengco, Patrick Roxas, Kaleb Ong
Sina (mula kaliwa) Derick Lauchengco, Patrick Roxas, at Kaleb Ong ang tatlong campu heartthrobs na bagong-pirmang artists ng Virtual Playground Talent Agency.
PHOTO/S: Virtual Playground

Sina Derick Lauchengco, Kaleb Ong, at Patrick Roxas ang campus heartthrobs na pinapirma ng kontrata nina Charlie Dy at Dondon Monteverde ng Virtual Playground Talent Agency dahil pumasok na rin sila sa entertainment industry.

DERICK LAUCHENGCO

Varsity basketball player ng University of Perpetual Help System Dalta si Derick na 21 years old, marketing management student, at nakatakdang maglaro sa susunod na season ng National Collegiate Athletic Association [NCAA].

Derick Lauchengco

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Derick ang nanalo ng Model Worldwide Philippines title noong 2022 at nasubukan na niyang umarte sa Mano Po Legacy: Family Fortune ng GMA-7 at Regal Entertainment Inc.

Ang Kurdapya ang regular show ni Derick sa kasalukuyan at isa sa mga kaibigan ni Marco Gumabao ang ginagampanan niya sa Saturday night sitcom ng TV5 at Viva Television.

Pinaghahandaan ni Derick ang pagsali sa isang international pagent na magaganap sa July 2023 dahil siya ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas.

Pinili ni Derick na pumirma ng management contract sa Virtual Playground Talent Agency dahil ito ang namamahala sa career ng mga sikat na basketball player na iniidolo niya.

Kaleb Ong

Graduate ng Industrial Engineering ng Technological Institute of the Philippines ang 20-year-old na si Kaleb Ong.

Kaleb Ong

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatagpo ng bagong pamilya sa Virtual Playground Talent Agency si Kaleb dahil nagtatrabaho sa Japan ang kanyang mga magulang kaya mag-isa siyang namumuhay sa Pilipinas.

Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ang unang television appearance ni Kaleb at nagbigay-daan para mapansin siya ng mga executive ng Virtual Playground.

Ang Boys Love series na The Day I Loved You at ang episode ng Regal Studio Presents: Last Love na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay ang mga television assignment ni Kaleb.

Patrick Roxas

Malaking hamon naman para kay Patrick Roxas ang pagpasok niya sa showbiz dahil likas ang pagiging mahiyain niya.

Patrick Roxas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa San Pedro City, Laguna, ang pamilya ni Patrick na bunso at nag-iisang lalaki sa limang magkakapatid na puro babae.

Twenty-one years old na si Patrick at medical technology student sa Far Eastern University.

Itinuturing ni Patrick na malaking tulong ang pagkakatuklas sa kanya ng Virtual Playground para madagdagan ang tiwala niya sa sarili.

Dating volleyball player si Patrick pero huminto ito sa paglalaro dahil sa kagustuhan niya na pagtuunan ng panahon ang kanyang pag-aaral.

Si Patrick ang itinanghal na Ginoong San Pedro, Laguna, noong Enero 2023 kaya nangangarap siya na masundan ang yapak ni Alden Richards na produkto rin ng isang male pageant sa kanilang lalawigan.

Ipinangako nina Derick, Caleb, at Patrick na hindi nila sasayangin ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanila ng Virtual Playground at nangako sila na magiging mabuting halimbawa para sa mga kabataan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina (mula kaliwa) Derick Lauchengco, Patrick Roxas, at Kaleb Ong ang tatlong campu heartthrobs na bagong-pirmang artists ng Virtual Playground Talent Agency.
PHOTO/S: Virtual Playground
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results