PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Possibilities: Pageant for Special Needs

Kilalanin ang 12 kandidata sa Miss Possibilities 2023...
by Jojo Gabinete
Published May 24, 2023 | Updated May 9, 2023
miss possibilities 2023 candidates
The 12 candidates of Miss Possibilities 2023

Dalawang beauty pageants ang magaganap sa darating na Sabado, May 13, 2023: ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena at ang Miss Possibilities 2023 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, Quezon City.

Ang Miss Possibilities ay isang kakaibang beauty pageant na itinuturing na kauna-unahan sa Asia dahil mga kabataang kababaihan na may special needs ang mga kandidata rito.

Si Miss Universe Thailand 1995 at Mrs. World 2003 Suzanna "Pavadee Vicheinrut" Yuzon ang mga founder ng Miss Possibilities Foundation, Inc.

suzana yuzon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas si Suzanna o Suzy dahil Pilipino ang kanyang asawa, si Johnmel Yuzon, at dalawa ang kanilang anak na babae—si Jacey at si Joey na may special needs.

suzy yuzon and family

Suzy and Johnmel with daughters Joey (left) and Jacey (second from right)

Itinatag ni Suzy ang Miss Possibilities Foundation Inc. at ang Miss Possibilities beauty pageant dahil nais niyang patunayan at ipakita sa buong mundo na sa kabila ng pagkakaroon ng espesyal na pangangailangan ng isang tao, may kakayahan itong gawin ang lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang lumikha ng kamalayan na may mga taong may iba’t ibang pangangailangan at ang kanilang mahalagang papel sa lipunan, magkaroon ng tiwala sa sarili ang mga kabataang babae na may special needs, ipagbunyi ang kanilang mga nagawa sa buhay, at ipamalas ang tunay at panloob na kagandahan ang ilan sa mga layunin ng Miss Possibilities.

Pansamantalang inihinto ang Miss Possibilities noong 2020 dahil sa coronavirus pandemic, at muli itong ibinalik ngayong 2023.

Binubuo ang Miss Possibilities Foundation Inc. ng mga magulang na may mga anak na nagtataglay ng mga kapansanan at naniniwalang makatutulong ang beauty pageant nila para magkaroon ng sapat na edukasyon at kaalaman ang publiko tungkol sa iba’t ibang spectrum ng mga tao na may espesyal na pangangailangan.

Labindalawang kabataan ang maglalaban para sa Miss Possibilities 2023 title: sina Sugar Tiongson, Bea Santiago, Gwen Fernandez, Angela Angeles, Anya Ferrolino, Ash Despi, Krisol Barajas, Nicole Flores, Jasteene Andaluz, Peachey Fajardo, Alex Uy, at Kayla Tuano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Gladys Reyes, Issa Pressman, Candy Pangilinan, Jason Webb, Sam Concepcion, WinWyn Marquez, James Yap, Ria Atayde, Dianne Medina, Maxine Medina, at Ervic Vijandre ang mga personalidad mula sa pulitika, sports at showbiz na kumpirmadong dadalo sa 6th Miss Possibilities coronation.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 12 candidates of Miss Possibilities 2023
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results