PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fil-Am Singers Unite Against Abuse

Fil-Am singers, nagsalita rin laban sa assistant ni Vice Ganda.
by Jojo Gabinete
Published May 9, 2023
fil-am singers
U-S.-based singers Garth Garcia (left), Imogen Atangan (inset, top), Caren Mempin (inset, bottom), and Gene Juanich (right) are set to form an organization to protect Fil-Am singers against abusive concert producers and production staff.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Nakikipag-usap na ang Filipino-American singer na si Garth Garcia at ibang mga local talent sa Southern California, USA, para sa organisasyong itatatag nila.

Layunin ng itatatag nilang organisasyon na mabigyan sila ng proteksiyon laban sa mga concert producer at production staff na mapang-abuso at pinaiiral ang diskriminasyon sa kapwa Pilipino.

“We are already talking to an Los Angeles-based lawyer para magtayo ng organization for Fil-Am performers and it is a non-profit aimed at protecting talents,” pahayag ni Garcia nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes, May 9, 2023.

Ang pagtatatag ng Fil-Am performers ng samahan na mangangalaga sa kanilang kapakanan at interes ang positibong resulta ng diumano’y hindi makataong trato na naranasan nila mula sa isang assistant ni Vice Ganda sa concert nito sa Yaamava’ Resort and Casino sa Highland, California, noong April 23, 2023.

Si Garth ang nanguna sa pagrereklamo laban sa assistant ni Vice sa concert, kung saan isa siya sa mga performer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Fil-Am singer na guest sa U.S. concert ni Vice Ganda, nakaranas umano ng pangmamaltrato mula sa assistant ng comedian-TV host

Si Garth din ang isa sa mga producer ng Here Lies Love, ang musical play na tatampukan ni Lea Salonga. Mapapanood ito sa Broadway mula July hanggang August 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Amor Yu ang producer ng kontrobersiyal na show ni Vice.

Nadamay siya sa usapin nang itanggi niyang tinarayan ng assistant ni Vice si Garth at ang kasama nito.

Read: Producer ng US concert ni Vice Ganda, pinabulaanan ang paratang ng Fil-Am singer na si Garth Garcia

Kaugnay nito, lumantad na rin ang Fil-Am singers na sina Gene Juanich, Imogen Atangan, at Caren Mempin para pabulaanan ang mga depensa ni Yu.

Narito ang kanilang pahayag...

Gene Juanich: "Hindi po totoo ang mga sinabi ni Ms. Amor Yu, at ako mismo ay na-experience ang pagkabastos ng ugali at pagka-rude ng assistant ni Vice Ganda.

"Imposibleng nagsasalita po yan nang malumanay, bagkus palaging rude at mayabang ang pagsasalita sa amin.

"During our technical rehearsal, sa stage mismo, lagi kami niyang sinisigawan ng ‘Hanggang dito lang kayo, wag kayo pupunta dito!' na puwede naman sabihin nang maayos at malumanay dahil nakakaintindi naman kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“During the meet-and-greet, papupuntahin ka lang sa likod nina Vice at ibang artists na galing Pinas na nakaupo, tapos kami nasa likod nakatayo lang. At pagkatapos nun, isang click lang ng camera tapos sasabihan na kami ng ‘O, sige, alis na. Dali-dalian niyo dahil marami pa ang magpapa-picture.’

“Ang babastos nilang magsalita considering na front acts kami, ha? Nakakalungkot lang dahil ang mismong ang producer na Pinoy pa naman na naturingan, sa bastos pa na assistant kumakampi, imbes sa amin na nakaranas ng hindi magandang pag- uugali ng assistant.

“Pinalalabas niya na nagsisinungaling kami ni Garth? So, ano yung nangyari at naranasan namin sa magkahiwalay na shows ni Vice at sa magkaibang dates? Gawa-gawa lang namin at panaginip lang namin?

"Wala siya sa mismong pangyayari na pambabastos sa amin kaya dapat hindi siya nagsasalita na pinalalabas niya na kami pa ang nagsisinungaling.”

Imogen Atangan, guest singer sa Yaamava’ concert ni Vice: “We’ve studied our craft as a performing artists but never really can’t ever imagine we will be experiencing a lot of abuse and mean treatment from the producers who really has that gut to be rude and mean every time we perform with their production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s not once, twice, but three in a row. Oh wow, please make sure all the concerns should be addressed well. We should unite not to take offers from the abusive producers.”

Caren Mempin: “Guest po ako sa Vice Ganda concert at nung kumakain po kami sa backstage, pinaalis kami kaya itinapon ko na lang ang kinakain ko.

“Wala rin kaming dressing room kaya nagkalat ang lahat ng gamit namin sa kainan na room. Wala rin kaming natanggap na instructions kung saan kami puwedeng tumambay o maghintay.”

Read: U.S.-based singer Garth Garcia, pinanindigan ang paratang laban sa assistant ni Vice Ganda

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
U-S.-based singers Garth Garcia (left), Imogen Atangan (inset, top), Caren Mempin (inset, bottom), and Gene Juanich (right) are set to form an organization to protect Fil-Am singers against abusive concert producers and production staff.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results