PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michelle Dee's Win Disputed, MUPH Accused

Fans ni Miss Bohol, umalma sa venue pati sa social media.
by Jojo Gabinete
Published May 14, 2023
Michelle Dee versus Pauline Amelinckx on Miss Universe Philippines 2023
Matapos ang koronasyon kay Michelle Dee bilang Miss Universe PH 2023 winner, kinoronahan din si Pauline Amelinckx bilang Miss Supranational at si Krishnah Gravidez bilang Miss Charm. First runner up si CJ Opiaza, habang second runner-up si Angelique Manto.
PHOTO/S: @DYANCASTILLEJO TWITTER

"Cooking show" ang masakit na paratang ng netizens sa Miss Universe Philippines Organization dahil si Michelle Dee ng Makati ang nagwagi na Miss Universe Philippines 2023.

READ: Makati’s Michelle Dee crowned Miss Universe Philippines 2023

READ: FULL TRANSCRIPT: The winning answer of Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee

Ginanap ang koronasyon noong Sabado ng gabi, May 13, 2023, sa Mall of Asia Arena.

Insulto ito para sa labindalawang hurado ng fourth Miss Universe Philippines.

Ang panel of judges ay kinabibilangan nina GMA Worldwide Inc. President Atty. Annette Gozon- Valdes, Miss Universe 2023 R’Bonney Gabriel, at Miss Universe 1973 Margarita Moran,

Walang basehan ang paratang ng beauty-pageant obsessed-Filipinos dahil hindi ang mga tipo nila ang papayag na madiktahan sa isang desisyon na mahalaga.

Bago pa man natapos ang live broadcast ng coronation night ng fourth Miss Universe Philippines sa YouTube channel ng ABS-CBN, nakaranas na si Michelle ng mga batikos.

Lalong tumindi ang masasakit na salita laban sa kanya nang siya ang manalo dahil sa mabigat na paratang na umiral umano ang "favoritism" sa patimpalak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nang-iintriga rin na nagwagi si Michelle dahil boyfriend ng kanyang housemate na si Rhian Ramos ang isa sa mga hurado, si Tutok To Win Party-list House Representative Sam Verzosa.

Si Verzosa ang natapat kay Michelle na hurado sa Round 1 Q&A para sa Top 5 candidates. Ang kandidata ang bumunot sa fish bowl para sa hurado na magtatanong sa kanya at nagkataong ang kongresista ang napili niya.

fan favorite PAULINE AMELINCKX

Naging disrespectful kay Michelle ang Mall of Asia Arena audience, partikular ang mga tagasuporta ni Pauline Amelinckx na malakas na isinigaw ang "Bohol! Bohol!" habang ipinapasa ni Celeste kay Michelle ang korona.

Si Celeste Cortesi ang Filipino-Italian titleholder para sa Miss Universe Philippines 2022.

Trending din sa Twitter si Pauline dahil sa kanyang fans na hindi matanggap ng mga ang resulta ng pageant dahil nangibabaw ang kanilang emosyon at simpatiya sa beauty queen.

Idineklara namang Miss Supranational Philippines 2023 si Pauline kaya hindi rin ito umuwi na luhaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito sana ang huling pagkakataon niya na masungkit ang Miss Universe Philippines 2023 crown.

Naniwala sila na masusundan ni Pauline ang yapak ni Pia Wurtzbach na tatlong beses na lumahok sa Bb. Pilipinas, bago napanalunan ang 52nd Bb. Pilipinas-Universe crown at mapalad na nagwagi na Miss Universe noong December 2015.

Nakadagdag sa maling akala ng mga tagasuporta ni Pauline ang paghakot niya ng special awards sa preliminary competition noong May 10, 2023.

Hindi dapat ginagamit na pamantayan.

Mahusay na halimbawa ang comedienne na si Herlene Budol na hinakot ang special awards sa 58th Bb. Pilipinas noong July 2022, pero first runner-up lamang ang puwesto na nakuha niya.

MICHELLE DEE'S ACCOMPLISHMENTS

Sinundan ni Michelle ang yapak ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nanalo na Miss World Philippines noong 2016 at hinirang na Bb. Pilipinas-Universe noong 2018.

Si Michelle ang pangalawang Pilipina na nagwagi ng dalawang major beauty title dahil siya ang Miss World Philippines winner noong 2019 at ang kinoronahan na Miss Universe Philippines ngayong 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Candidate Number 21 si Michelle nang sumali at manalo ito sa Miss World Philippines noong September 2019.

Maituturing ni Michelle na mapalad sa kanya ang Number 21 dahil ito rin ang numero niya sa Miss Universe Philippines, base sa inanunsyo ng host na si Xian Lim nang tawagin nito ang Top 10 candidates.

Para sa mga nakakalimot, bukod sa Miss Universe Philippines Tourism title, si Michelle ang nagwagi sa Best in Evening Gown category nang sumali siya sa Miss Universe Philippines noong 2022.

Si Francis Libiran ang gumawa ng winning gown ni Michelle, kaya noon pa man, napatunayan na niya ang husay sa pananamit.

Michelle Dee Best In Evening Gown Miss Universe Philippines 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong 2023 edition, nanalo uli na Best in Evening Gown si Michelle.

Si Mark Bumgarner ang designer ng elegant black gown ni Michelle, at nag-stand-out siya sa hanay ng Top 18 candidates sa entablado.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ibinahagi ni Bumgarner ang kuwento tungkol sa gown ng newly crowned beauty queen.

"My vision: no sparkle (except for the strap), sexy minimalist, elegant and effortless.

"I wanted Michelle to shine, and not the dress. It was a risk, in the sea of blings! A simple black evening gown prevailed!

"Just a bit of trivia: this dress was originally for the preliminary competition but we switched it last minute," pagsasalarawan ni Bumgarner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UNPOPULAR CANDIDATE wins the crown

Maikukumpara ang tagumpay ni Michelle sa nangyari kay Beatrice Luigi Gomez, ang first lesbian winner ng Miss Universe Philippines noong 2021.

Hindi popular na kandidata si Gomez sa second Miss Universe Philippines, pero siya ang nanalo at kasama sa Top 5 finalist ng 70th Miss Universe na idinaos noong December 2021 sa Israel.

Posibleng ganito o higit pa ang maging kapalaran ni Michelle bilang kinatawan ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na magaganap sa El Salvador bago matapos ang 2023.

Pinaghandaan at pinaghirapan ni Michelle ang pangalawang pagkakataon na pagsugal niya sa Miss Universe Philippines at hindi siya nabigo.

Sa naganap na press conference ng Mga Lihim ni Urduja noong February 2023, ipinaliwanag ni Michelle ang dahilan ng kanyang muling pagsali na may hashtag na #DeePaTaposAngLaban.

"It’s really about not having regrets in life coz last chance ko na this year.

"And it’s the kind of example na I wanna show my supporters na just keep fighting until wala ka nang maibigay or hindi mo na kayang gawin," ang pahayag ni Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lubos ang ligaya ni Michelle dahil natupad ang kanyang pinakaaasam na pangarap.

OTHER MISS UNIVERE PHILIPPINES 2023 STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang koronasyon kay Michelle Dee bilang Miss Universe PH 2023 winner, kinoronahan din si Pauline Amelinckx bilang Miss Supranational at si Krishnah Gravidez bilang Miss Charm. First runner up si CJ Opiaza, habang second runner-up si Angelique Manto.
PHOTO/S: @DYANCASTILLEJO TWITTER
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results