Isang sorpresa para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang pagdalo ng kanyang nanay na si Melanie Marquez sa coronation night ng pageant.
Ginanap ang event noong Sabado ng gabi, May 13, 2023 sa Mall of Asia Arena.
READ: Makati’s Michelle Dee crowned Miss Universe Philippines 2023
READ: FULL TRANSCRIPT: The winning answer of Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee
Noong nakaraang taon, sumali rin si Michelle sa Miss Universe Philippines, pero hindi nasaksihan ni Melanie nang koronahan siya bilang Miss Tourism Philippines 2022.
Dumating noon sa Mall of Asia Arena si Melanie, pero hindi nito itinuloy ang pagpasok dahil sa isang emergency.
Ngayong taon, hindi lamang si Melanie ang nagbigay ng buong suporta sa muling pagsali ni Michelle.
Kasama rin ni Melanie ang iba pang mga anak na sina Mazen, Maxine, at Adam.
Si Mazen ang anak ni Melanie sa isang sheik.
Sina Maxine at Michelle ang mga bunga ng pagmamahalan ni Melanie at ng kanyang ex-husband, ang former action star na si Derek Dee.
Si Adam ang supling ni Melanie sa estranged husband na si Atty. Randy "Adam" Lawyer.
Ang panganay sa mga anak ni Melanie ay si Manuelito, na anak niya kay Senator Lito Lapid.
Si Melanie ay hinirang na Miss International noong 1979, at ang mga yapak niya bilang model/actress/beauty queen ang sinundan ni Michelle.
Watch: Melanie Marquez's reaction to Michelle Dee's MUPH win:
MICHELLE DEE'S touching STORY
Bahagi ng Miss Universe Philippines 2023 journey ni Michelle ang mga kapatid na sina Mazen at Adam.
Parehong may special needs sina Mazen at Adam.
Kaya autism awareness at mental health education ang napiling adbokasiya ni Michelle sa matagumpay niyang palawang paglahok sa pageant.
Sa kanyang "Her Story" video noong March 10, ipinakilala ni Michelle sa publiko sina Mazen at Adam.
Kinunan ang video sa Salcedo Park sila, na isang minuto ang layo mula sa condo unit na tirahan nila.
"These are my two brothers, individuals on the spectrum. This is Adam, my younger brother and this is Mazen, my older brother as well. So all of us grew up here," bungad ni Michelle.
Malaking bahagi sa kanilang buhay ang lugar dahil kinalakihan nila iyong lugar para maglaro at mag-ehersisyo.
"When you have brothers in the spectrum, they also need a lot of exercise kaya lagi silang tumatakbo dito.
"Dito sila nag-e-exercise just to wind down and relax.
"This is why I advocate for autism awareness because my brothers needed it and everyone on the spectrum needs it too."
MICHELLE'S DETRACTORS
Naranasan ni Michelle na maging biktima ng mga batikos at iresponsableng paghuhusga nang siya ang koronahan na Miss Universe Philippines 2023.
Hindi kasi matanggap ng mga tagasuporta ng ibang mga kandidata ang kanyang tagumpay.
READ: Michelle Dee, hindi tanggap na winner ng pageant fans; MUPH Org, iniintriga na may "favoritism"
Kung malalaman lamang ng detractors ni Michelle ang mga pagsubok at hamon ng buhay na pinagdaraanan niya bilang anak, at pagkakaroon ng dalawang kapatid na may special needs na habambuhay niya na dalahin, tiyak na mapapalitan ng paghanga ang poot na kanilang pinaiiral laban sa newly crowned Miss Universe Philippines.
READ: Filipino celebrities who have opened up about raising special children
OTHER MISS UNIVERE PHILIPPINES 2023 STORIES
- Miss Universe PH 2023 repeats competition for Top 18 candidates due to "technical issues"
- Miss Cebu Province Emmanuelle Vera falls onstage during swimsuit competition
- Netizens poke fun at Alden Richards's “Steve Harvey” moment at Miss Universe PH 2023 coronation night
- Vice Ganda, netizens in shock after Pampanga and Cebu Province failed to make it to Top 10
- Miss Universe Philippines 2023 Top 5 finalists
- Fan favorites enter Top 10 of Miss Universe PH 2023
- Miss Universe Philippines 2023 Top 18 candidates
- MISS Lapu-Lapu Claire Inso admits to same-sex relationship, cosmetic enhancements
- Michelle Dee revamps strategy for second Miss Universe Philippines bid