“Mabuhay siya hanggang gusto niya!”
Ito ang pabirong mensahe ni Jerald Napoles para sa kanyang nanay na si Teresita Guillen, na binigyan niya ng pugay noong Linggo, May 14, 2023, ang Araw ng mga Ina.
“Joke lang,” bawing pahayag ng lead actor ng Team A, ang sitcom ng TV5.
Marami raw natutunan si Jerald mula sa kanyang ina noong maliit pa siya.
“Kidding aside, I hope I get to be with her more at maibigay ko pa sa kanya ang mga bagay na gusto niya at hindi niya nakakamit pa.
“It’s always never too late to create new moments! Naalala ko nung bata ako, sa isang linggo may limang raket ang mama ko.
“Since wala kasi siyang regular na trabaho, so kung anong raket ang meron, yun ang pinapasok niya.
“Sa kanya ko na natutunan na hindi masamang magtiis pansamantala habang inaabot ang pangarap.
“Sa kanya ko rin natutunan na ingatan ang tiwala ng tao. Sabi niya, 'Kapag mahirap ka anak, mahirap na basta basta makakuha ng tiwala mula sa mga tao na nakakaangat ang estado ng pamumuhay so iingatan mo kapag pinagkatiwalaan ka nila. Pribilehiyo na sa ating mahihirap yan.'”
Dahil sa mga pagsisikap at pagsasakripisyo noon ng kanyang ina para maitaguyod ang kanilang pamilya, may pabuya o sorpresang inihahanda si Jerald at ang girlfriend nito na si Kim Molina para sa Mama Teresita niya.
“Bilang reward, Kim and I are starting something big and important na kasama si Mama.
“I believe it could one of the best gift I can give her. Sa ngayon, secret pa lang," rebelasyon ni Jerald, na kasama ang kanyang ina sa pagdiriwang ng Mother’s Day kahapon.