Itinanggi ni Matteo Guidicelli na may kinalaman siya sa desisyon ng misis niyang si Sarah Geronimo na huwag nang makipagtrabaho sa dance choreographer na si Teacher Georcelle Dapat-Sy.
Read: Sarah Geronimo at Teacher Georcelle ng G-Force, may tampuhan?
Naging malaking usap-usapan ang kawalan ng partisipasyon ni Teacher Georcelle at ang dance group nitong G-Force sa 20th anniversary concert ni Sarah sa Araneta Coliseum noong Biyernes, May 12, 2023.
Ito ay sa kabila ng 16 taong collaboration nina Sarah at Georcelle bilang performer at choreographer, respectively.
Read: 8 highlights of Sarah Geronimo's 20th anniversary concert
Sa panayam ni Matteo sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, May 15, tinanong si Matteo tungkol sa espekulasyong siya umano ang nag-udyok kay Sarah na hindi na makipagtrabaho kay Teacher Georcelle.
“No. I don’t push Sarah. I stand beside her,” sagot ni Matteo
Tinanong ni Boy Abunda si Matteo kung may kinalaman ang "creative differences" sa isyung sumubok sa labing-anim na taong pagkakaibigan nina Sarah at Teacher Georcelle.
Ayon kay Matteo, “Sarah wanted to create... make greatness, kumbaga. Develop greatness, go forward, produce beautiful things with everybody. With everybody since day one.
“Again, at the end of the day, hopefully maayos kung anuman ito.
"Bilog ang mundo, bilog ang showbiz. At the end of the day, magkatrabaho pa rin tayo.”
Dahil ipinagmamalaki niya nang husto ang misis, ikinuwento ni Matteo ang mga sinabi niya kay Sarah dalawang araw bago idinaos ang matagumpay nitong 20th anniversary concert.
Lahad ng bagong Kapuso: “I told Sarah, 'Love, close your eyes. Think about how many people you inspired, you touched them, you moved with your career. This is magic.
“'You have to realize this na you allowed people to reach their dreams. You allowed people to achieve their goals.
"And it’s such magic. It’s such a blessing [that] God has given you.’
"And it was proven in the concert. For three and a half hours, talagang unity, pag-ibig, kasiyahan ang loob ng Araneta.
"I am so proud of my wife."
Samantala, ngayong Martes, May 16, ang ikalawang araw ni Matteo bilang co-host ng Unang Hirit, ang early morning program ng GMA-7.
Read: Matteo Guidicelli, nagsimula na bilang co-host ng ‘Unang Hirit’
May sarili nang segment si Matteo sa Unang Hirit, ang "G-News" o "Good News."
Siya ang naatasang mag-interbyu sa mga Pilipino na naghahatid ng karangalan sa ating bansa.
Sa pangalawang araw ni Matteo sa Unang Hirit, muli siyang tinukso at binilangan ng kanyang mga co-host dahil sa paulit-ulit na pagbati niya kay Sarah.
Kahit wala sa loob ng studio, ramdam na ramdam ang "presence" ni Sarah dahil sa maraming beses na pagbanggit ni Matteo sa kanyang pangalan na naging biruan na sa mga host ng Unang Hirit.
Postscript: Noong October 2019, inanunsiyo ng Viva Films na si Matteo ang magbibida sa "reimagined" Pedro Penduko movie, pero hindi ito natuloy dahil sa coronavirus pandemic.
Read: Matteo Guidicelli doesn't mind being second choice to James Reid for Penduko
Nang makausap ng Cabinet Files si Matteo kahapon, “Oo” ang kanyang sagot nang aming itanong kung matutuloy pa rin ang pagganap niya sa karakter ni Pedro Penduko, ang Pinoy folk hero na nilikha ng National Artist for Literature na si Francisco V. Coching at unang nalathala sa Liwayway Magazine noong 1954.