Ang Vivamax four-part sexy original series na Sex Hub ang comeback project ng '90s action-star beauty na si Yda Manzano.
Matagal na nagpahinga mula sa pag-arte si Yda dahil nagkaroon siya ng sariling pamilya.
Sa kasamaang-palad, naghiwalay si Yda at ang asawa nito kaya kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang mga anak.
Nakipag-ugnayan si Yda sa kanyang discoverer na si Lito de Guzman, na hindi nagdalawang-isip na tumulong, kaya nabigyan agad siya ng proyekto—ang Sex Hub na mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.
Dahil nanay na siya sa tunay na buhay, tinanggap ni Yda ang karakter ng isang ina. Pero nakipagsabayan siya sa mga sexy star na mas nakababata sa kanya—sina Micaella Raz, Salome Salvi, at Shiena Yu.
Kuwento ni Yda, “Masaya silang kasama. Feeling ko, kasing-age ko lang sila.
"Makikita yung love ng mom since mother na rin ako so I can relate much.
“Actually, hindi ako iyakin na tao. Siguro, bato na ako sa dami ng mga pinagdaanan ko. Hindi na ako basta-basta napapaiyak.
"But because of this [Sex Hub], grabe, lumabas yung hatred ko saka yung luha ko, because of Direk Bobby and I owe that to him."
Ayon kay Yda, mas palaban sa paghuhubad ang mga sexy star ngayon.
“I find it exciting kasi palaban talaga sila compared sa panahon namin. Palaban sila so I have no choice. Kailangan ko rin maging palaban or else, wala akong career.
“Nagulat ako kasi hindi ko alam na kakayanin ko pa yung sexy scenes. Na-stop ako for many couple of years tapos kababalik ko lang.
“Noong una, hindi ko pa kayang ibigay yung todo. So, sinabi ko kay Boss Vic [del Rosario, Viva big boss], 'Bigyan mo ako ng projects. I need a job. Baka puwedeng bigyan mo ako, I will give my all.'
“Si Direk Bobby, siya yung pinakasuwerte, naibigay ko lahat, na kapag sinabi niya na tuwad, tutuwad talaga ako.
"Naka-G-string po ako the whole time, tingnan niyo na lang ang hitsura ko.
"Pero sabi naman nila, sexy pa rin daw so lumaban talaga ako," saad niya.
"Action Star Beauty" ang kategorya ni Yda nang mag-umpisa ang kanyang acting career noong kalagitnaan ng dekada '90.
Si Lito ang nagbigay kay Yda ng screen name nito na hango sa pangalan ni Edu Manzano. Ipinagpaalam ni Lito kay Edu ang screen name na ibibigay niya kay Yda at pumayag ang aktor na nagbili innggatan ang kanyang pangalan.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Yda na makilala si Edu nang personal nang magkita sila noon sa opisina ng OctoArts Films.
Sina Ynez Veneracion (mula sa pangalan ni Ian Veneracion), Hazel Espinosa (Ace Espinoza), at Jackie Diaz (Joko Diaz) ang mga kasabayan ni Yda at kabilang din sa Action Star Beauties na mga alaga ni Lito.
Magna cum laude si Yda nang magtapos ito ng kurso sa isang reputable university sa Cebu City.
Sumali siya sa Mutya ng Pilipinas at nagkaroon ng mga title mula sa iba’t ibang beauty pageants.
Dahil likas na matalino, nagtrabaho si Yda bilang online teacher ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa nang talikuran niya ang showbiz. Pero huminto siya nang magpasyang balikan ang pag-arte dahil naghiwalay nga sila ng kanyang asawa.