PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Benz Sanggalang, bibida sa pelikulang unang pinasikat ni Jay Manalo

Benz Sanggalang, bibida sa pelikulang unang pinasikat ni Jay Manalo
by Jojo Gabinete
Published Jun 4, 2023
Benz Sangalang
Sasalang na si Benz Sangalang sa shooting ng Totoy Mola simula Hulyo.
PHOTO/S: Benz Sangalang / Melo Balingit via @benz.sangalang IG

Makalipas ang dalawampu’t anim na taon (26), muling ibabalik ng Viva Films ang Totoy Mola, ang sexy comedy movie na pinagbidahan ni Jay Manalo at ipinalabas sa mga sinehan noong January 1, 1997.

Para sa 2023 version ng kontrobersyal noon na pelikula, ang sexy actor na si Benz Sangalang ang napili na gumanap na Totoy Mola.

Magkakaroon si Jay ng espesyal na partisipasyon sa remake na ito.

"Nagulat ako," ang reaksyon ni Benz nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Linggo, June 4, 2023.

Pangarap lang niya na bumida, na ngayon ay natupad na.

"Sa totoo po, sobrang nagulat ako dahil hindi ko ine-expect na ibibigay sa akin ang isang iconic movie ng Viva Films.

"Pamilyar naman po ako sa Totoy Mola dahil ito ang bansag o tawag sa mga lalake na malalaking sandata.

"Pero baby pa lang ako nang ipalabas noong 1997 sa mga sinehan ang pelikula."

Pinaghahandaan daw ni Benz ang proyektong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinanood ko po ang Totoy Mola last month dahil kailangan. Sinabi po sa akin ni Boss Vincent del Rosario na panoorin ko para magkaroon ako ng idea sa story ng original movie

"Sinabihan din ako ni Boss Vincent na magpaganda ng katawan para barakong-barako ang dating ko at para bumagay sa akin ang role bilang Totoy Mola."

Ang tinukoy niyang Boss Vincent ay ang Viva Communications CEO and President.

Plano na umpisahan ang shooting ng Totoy Mola sa Hulyo kaya regular na ang pagpunta ni Benz sa gym para magpalaki ng katawan bilang paghahanda sa karakter na gagampanan niya.

Lubos ang ligaya ni Benz sa malaking tiwala at pagkakataon na ibinigay ng home studio niya, at nangako siya na gagawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang kanyang pagganap sa karakter ni Totoy Mola.

READ: Benz Sangalang, ibinahagi kung paano pinaslang ang ina; hiling niya ay hustisya

READ: Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Richard Gomez discloses getting indecent proposal from a “supporting actress” in the past

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sasalang na si Benz Sangalang sa shooting ng Totoy Mola simula Hulyo.
PHOTO/S: Benz Sangalang / Melo Balingit via @benz.sangalang IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results