PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto, may kahati sa paglikha ng Eat Bulaga! theme song

May nakabuking ng spiels isang araw bago ang TVJ exit?
by Jojo Gabinete
Published Jun 5, 2023
tito, vic and joey
Ayon sa isang informant ng Cabinet Files, may nakabuking sa spiels ng TVJ isang araw bago ang kanilang kontrobersiyal na Eat Bulaga! exodus.

Itinuwid ng isang nakakaalam sa kasaysayan ng Eat Bulaga! ang maling akala ng ibang mga tao na si Vic Sotto lamang ang gumawa ng theme song ng longest-running noontime show ng bansa.

Nilinaw ng source ng Cabinet Files na si Vic ang composer ng melody ng Eat Bulaga!, habang si Vincent Dy Buncio ang sumulat ng lyrics.

May kaugnayan pa rin ang paglilinaw ng informer sa pinag-aagawang trademark at theme song ng kontrobersyal na programa.

Dapat na ituwid din ang Twitter post ng anak ni Joey na si Jako de Leon na produkto si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng "Little Miss Philippines," isa sa mga popular contest ng Eat Bulaga para sa mga batang babae.

Totoo na sumali si Catriona sa Little Miss Philippines contest noong 1999, pero nangyari ito sa Australia at hindi mismong sa Eat Bulaga!

Masyadong dinamdam ni Jako ang paniniwala nito na kawalan ng respeto kina Tito, Vic, at Joey ang desisyon ng TAPE na hindi binigyan ang tatlo ng pagkakataong makapagpaalam nang maayos sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas ni Jako ang saloobin sa pamamagitan ng kanyang social media post.

Sabi niya rito, "The fact that TVJ was barred from speaking on air to give a proper farewell speaks VOLUMES of the 'respect' new management has for TVJ, the show, the other hosts and crew who’ve poured blood, sweat and tears the past 4 decades, and to to the fans who love and watch the program."

TITO SOTTO'S STATEMENT

Kontra ang pahayag ni Jako sa exclusive interview ng PEP.ph noong June 1 kay Tito Sotto.

Nagpahiwatig noon si Tito na biglaan lamang ang kanilang pagpapaalam via livestream sa Eat Bulaga! Facebook.

And we quote, "Ang usapan namin, pasok kami lahat, pati ako — hindi naman ako pumapasok ng Wednesday — para mag-usap kami kung anong desisyon, kung anong gagawin, kung anong plano kasi hindi naman natutupad‘yung mga sinasabi.

"Nung pagdating namin doon, mga 11, 11:30, nag-uusap na kami. Siguro itong isa sa mga anak na nadodoon, nakita nagmi-meeting kami, kinabahan na baka may gawin kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Aba, biglang ipina-cancel yung live, nagpa-order daw ng playback si Romy. Si Romy raw nagpa-order ng playback."

Ang tinukoy na Romy ay si Romy Jalosjos, chairman at majority shareholder ng TAPE.

"Nagdesisyon na kami! Ano pang hinihintay namin? Lahat na lang ng kilos namin…

"So we decided na finally. Ang naging instant reaction, we finally decided na sapagkat ganun ang trato nila, e.

"Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na…Tapos iba sinasabi sa tao, iba naman ang ginagawa. Yun ang istorya nun."

Ito ang bersiyon ni Tito tungkol sa kanilang "spur-of-the-moment decision" na magpaalam sa TAPE.

Noong May 30, 2023, isang araw bago nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey sa TAPE Inc., iniulat ng Cabinet Files na nakatakdang magpaalam ang tatlo anumang araw noong nakaraang linggo.

Naganap nga ito noong May 31.

Eat Bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPIELS NG TVJ NABUKING?

Isang insider naman ang nagsabi kung paano nalaman umano ng TAPE management ang planong pagkalas nina Tito, Vic at Joey.

Naiwan daw ng isang production staff sa opisina ng TAPE noong Martes ng gabi, May 30, ang kopya ng spiels ng pamamaalam na babasahin kinabukasan ng mga host ng Eat Bulaga!

Makikita naman sa kumakalat na "behind-the-scene video" ang kuha sa Eat Bulaga! studio noong May 31.

Ang farewell spiels ng TVJ na binabasa nila ay nakasulat sa Manila paper at hindi sa teleprompter.

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang informant ng Cabinet Files, may nakabuking sa spiels ng TVJ isang araw bago ang kanilang kontrobersiyal na Eat Bulaga! exodus.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results