PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Guanio, Sam YG Host Eat Bulaga After Exit

Ayaw maipit sa "Eat Bulaga!" war?
by Jojo Gabinete
Published Jun 5, 2023
Pia Guanio and Sam YG
Pia Guanio at SAM YG, ayaw maipit sa Eat Bulaga! war?
PHOTO/S: @piaguanio_mago / @samyg Instagram

Sina Pia Guanio at Sam YG ang dalawa sa mga dating co-hosts ng Eat Bulaga! na nakatanggap ng alok para bumalik sa revamped noontime show.

Ito ay matapos magpaalam sa TAPE Inc. sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon noong May 31, 2023.

Sumama sa TVJ ang Dabarkads nilang sina Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Ryan Agoncillo, Allan K., Wally Bayola, at Jose Manalo.

Hindi tinanggap ni Pia ang offer ng TAPE sa kanya.

Bukod sa prayoridad nito ang pamilya, may daily morning show ito sa Net25, ang Kada Umaga, na malapit nang ilipat sa timeslot na ala-diyes nang umaga.

Naging malaking bahagi ng showbiz career ni Pia ang Eat Bulaga! dahil naging co-host siya ng programa mula 2003 hanggang 2021.

Hindi lang iyon, naging boyfriend ni Pia si Vic nang ilang taon.

Sa kaso ni Sam YG, ang pagkakaroon ng daily radio show ang ibinigay niyang dahilan kaya hindi siya makabalik sa noontime show na pinanggalingan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Guanio at SAM YG, ayaw maipit sa Eat Bulaga! war?
PHOTO/S: @piaguanio_mago / @samyg Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results