Inilagay ni Senator JV Ejercito ang sarili sa alanganing sitwasyon at binigyan niya ng pagkakataon ang mga taong batikusin siya dahil sa kanyang pahayag tungkol sa mga bagong host ng Eat Bulaga!.
Noong Lunes, June 5, 2023, ipinakilala sina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar bilang bagong hosts ng longest-running noontime show matapos kumalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at lahat ng Eat Bulaga! co-hosts sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.
Kasama nina Paolo, Betong, at Buboy bilang co-hosts ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, ang dating Tropang LOL mainstay na si Alexa Miro, ang singing group na XOXO, at iba pa.
Read: Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
Nasaktan ang ilang netizens para sa mga bagong host ng Eat Bulaga! dahil sa tweet na ito ni Senator JV: “The 'new' Eat Bulaga! Parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents. Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc. Eat Bulaga is really TVJ.”

May katotohanan ang obserbasyon ni Senator JV, pero hindi dapat sa kanya nanggaling ang mga salitang nakakasakit ng kapwa, lalo na sa mga baguhang nagsisimula pa lamang na magbuo ng kanilang mga pangarap magkaroon ng puwang sa entertainment industry.
Negatibo ang ilan sa mga komento sa tweet ni Ejercito na tinawag na unbecoming para sa isang senador.
Kaya bumawi ito sa kanyang sumunod na tweet: “But we shouldn’t bash the talents of the new EB. Hanapbuhay nila as talents."

Pero huli na dahil nakatanggap na siya ng mga batikos na resulta ng kanyang opinyon.
Ilan sa mga komento laban sa kanya:
“You are dragging down your 'kapwa Pilipino' [Pinoy artists]. You don’t deserve to be called a senator. Binoto pa naman kita. SAYANG!"
“Pa-righteous effect na naman si the Good One after manghamak."
“Ikaw nga nauna nag-bash eh."
"Hindi mo binash senator pero nilait mo naman? Tagline mo naman ikaw ang the clean and good one pero parang hindi naman.
"Youth leader pero nanghahamak. Hipokrito ka."
"Exactly pero kaba-bash mo lang! Pulitiko ka nga hahaha."
"Napaka-two face mo naman sir. Kanina you tweeted something to instigate their bashing tapos nung nag-backfire sa iyo biglang may pa-preach ka???"
Sa kabilang banda, sumang-ayon at kinampihan siya ng loyal viewers ng Eat Bulaga! at sinegundahan ang panlalait sa bagong hosts ng noontime show.