PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga, madalas napupuyat dahil sa newborn baby?

Diego Loyzaga: "...these eyebags, pinaghirapan ko yan."
by Jojo Gabinete
Published Jun 11, 2023
Diego Loyzaga on newborn baby
Diego Loyzaga, nakalusot sa tanong ng TV reporter na "So you’re well-adjusted as a new dad?"
PHOTO/S: @diegoloyzaga Instagram

Hindi nagtagumpay ang entertainment press na dumalo sa press conference ng Will You Be My Ex?” na makakuha ng impormasyon mula kay Diego Loyzaga tungkol sa bagong silang nitong anak.

READ: Diego Loyzaga hints at being dad to baby girl; netizens ask: "Who's the mother?"

Bukod sa ipinagbawal ang mga personal na katanungan, unstable ang Internet connection kaya nahirapan siya na marinig ang mga tanong para sa kanya.

Naganap ang media conference ng Will You Be My Ex? ngayong Linggo ng hapon, June 11, 2023, sa Botejyu restaurant sa Gateway Mall, Quezon City.

Kasalukuyang nasa Perth, Australia si Diego kaya nakausap lamang ito ng entertainment writers sa pamamagitan ng Zoom.

Ang TV5 reporter na si MJ Marfori ang naglakas-loob na magtanong kay Diego tungkol sa pagiging bagong ama nito, pero kinumusta muna niya ang kalagayan ng aktor sa Australia.

"Nakatulog ka na ba o puyat na puyat ka? Kumusta?” ang tanong ni MJ kay Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Diego, "I came back there mga April and we were supposed to have a presscon, pero it didn’t push through ‘coz I’m back here again now.

"And then last night was a celebration for Philippine Independence Day so Happy Independence Day to everybody out there.

"And it was really a big celebration here in Perth. It was in a big hotel and I was part of it. Saya, we went out."

Sabay dagdag ni Diego, "Aside from that, [there are] other reasons why lagi akong puyat lately, so these eyebags, pinaghirapan ko yan.

"I am doing good, thanks for asking. Nakatulog na ako."

Dahil sa unstable Internet connection, hindi na nasagot ni Diego ang kasunod na tanong ni MJ na, "So you’re well-adjusted as a new dad?"

Ipinaalala rin ng presscon moderator na si Jean Kiley na mga katanungan lamang tungkol sa pelikula ang maaaring itanong kay Diego at sa dalawang aktres na kasama nito sa Will You Be My Ex?, sina Julia Barretto at Bea Binene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdiwang si Diego ng 28th birthday noong May 21, 2023.

Nakumpirma ang pagkakaroon niya ng bagong-silang na anak na babae dahil sa kanyang Instagram post noong June 8 — ang larawan niya na may kargang sanggol na may caption na "The best birthday gift ever."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga, nakalusot sa tanong ng TV reporter na "So you’re well-adjusted as a new dad?"
PHOTO/S: @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results