“I need you, man. God needs you.”
Ito ang nagsusumamong pakiusap ng former Menudo member na si Roy Rosello kay Charlie Masso, ang dating kasamahan niya sa sikat na Puerto Rican boy band na sumikat noong dekada '80 sa Pilipinas at sa buong mundo.
May kinalaman ang panawagan ni Roy kay Charlie sa diumano’y seksuwal na pang-aabuso na naranasan niya sa mga kamay ni Edgardo Diaz, ang founder ng Menudo, at ng RCA record executive na si José Menéndez noong menor de edad pa siya.
Ipinarating ni Roy ang apela at mensahe nito kay Charlie sa pamamagitan ng social media dahil nasaksihan umano ng huli ang mga pangmomolestiya sa kanya noon ni Diaz.
Nanawagan si Roy kay Charlie sa wikang Espanyol, at ito ang kanyang marubdob na pakiusap na isinalin sa wikang Ingles:
“My brother, I don’t know if you’ve seen the series on Peacock. Believe me it was super hard to get rid of those sorrows.
“I know you know it in your heart. We were children back then, traumatized and exploited children without a voice. But we are now men and it’s more than time to close that chapter, this tragedy in our lives.
“I am not the only one who has suffered, there are many, and you know it. Help us out, bro.
“I don’t know if you’ve processed this to the point of saying what happened to you, but if I ask you to help me say what you saw happen to me in the hands of Edgardo and what you saw happen with Menendez.
"I need you, man. God needs you.
“Help me on this mission. Just say what you see.
"Forward everything to help me and you also have the power to say what happened to José Menéndez and what you see and help free those brothers that this man started raping since they were five years old and now 33 [years] in prison.
“This is serious, man. Help in any way you can. Please, brother, call me. They will do many many you can help.”
Tila nagpahiwatig si Roy na biktima rin ng pang-aabuso si Charlie, na kinukumbinsi niyang magsalita para mapalaya na ang magkapatid na Lyle at Erik — ang mga anak ni Menéndez na mahigit sa tatlong dekada nang nagdurusa sa kulungan dahil sa pagpatay sa kanilang ama at ina sa pamamagitan ng baril noong August 20, 1989.
Ang seksuwal na pang-aabuso sa kanila ng sariling ama noong bata pa sila ang mga rebelasyon nina Lyle at Erik sa korte kaya pinatay nila si Menéndez. Pero nahatulan pa rin ang magkapatid ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Lyle and Erik Menendez
Muling naungkat at pinag-uusapan ang kaso nang ipalabas sa Peacock, ang streaming site ng NBCUniversal, ang Menendez+Menudo: Boys Betrayed, noong May 2, 2023.
Ang Menendez+Menudo: Boys Betrayed ay documentary series tungkol sa panghahalay kina Lyle at Erik ng kanilang ama, at ang testimonya ni Roy na biktima rin siya ng pang-aabuso nina Menendez at Diaz.
Dahil sa paglantad ng 52-year-old former Menudo member, nagkaroon ng pag-asa ang mga nakikisimpatiya sa kanilang baka makatulong ang kanyang rebelasyon para mapalaya na ang Menendez brothers.
Ito ang dahilan kaya hinihimok ni Roy si Charlie na magsalita na rin tungkol sa mga nalalaman nito para lalong lumakas ang mga ebidensiya.
Kahapon, June 13, ang ika-54 kaarawan ni Charlie pero hindi pa siya sumasagot sa mensaheng ipinarating sa kanya ni Roy.
Samantala, iniimbestigahan ng Los Angeles Police District si Diaz dahil sa mga isiniwalat ni Roy sa Peacock documentary series.
Matagal nang inaakusahan si Diaz ng pisikal na pagsasamantala sa mga kabataang miyembro ng Menudo.
Mariin ang kanyang paulit-ulit na pagtanggi tungkol sa mabigat na akusasyong paulit-ulit ding bumabalik dahil sa patuloy na paghahanap ng hustisya ng mga biktima.