Kitang-kita sa mukha ni Herlene Budol ang nararamdamang hiya habang pinapakinggan niya ang mga sinasabi ng mga award-winning at seasoned actress na sina Chanda Romero at Sandy Andolong tungkol sa mga karanasan sa pakikipagtrabaho sa kanya sa Magandang Dilag, ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa June 26, 2023.
Paulit-ulit ang pasasalamat ni Herlene kina Chanda at Sandy dahil sa mga papuri na narinig niya sa media conference ng Magandang Dilag na naganap ngayong Sabado ng hapon, June 17, sa Studio 6 ng GMA Network Inc.
“The first day I reported to the set and I met Herlene sa tent, right away, alam ko na hindi ako mahihirapan sa kanya because what I saw were pages of hand-written lines niya in yellow pad and I was thinking, ‘okay, she means business,’ and I was hoping sana hindi lang pang-first day ito ha?” ang umpisa ng kuwento ni Chanda tungkol kay Herlene.
“True enough, hanggang last day, ganyan siya kahit wala siyang tulog. Kahit na pagod na pagod siya, she had so many things on her plate.
“I love her also because she respects her colleagues. She respects our time, our efforts. She knows that this is a craft. Hindi talaga ako mahihirapan sa kanya.
“I liked her from the very start and I just like her even more kaya lang ang nakakatawa kay Herlene, sobrang …
“Kapag nate-take two siya, pagbalik niya sa dressing room, ayan na, iiyak na yan kasi, ‘Hiyang-hiya naman ako Tita. Na-take two ako sa’yo! Nakakahiya sa’yo Tita!’
“Iiyak na yan profusely and then, I always tell her, ‘it’s okay. You did your best and it does happen to everyone. It happens to the best ones.’ And I love her authenticity. She’s just so herself.”
Si Sandy ang gumanap na ina ni Herlene sa Magandang Dilag at tulad ni Chanda, mabilis na napamahal sa kanya ang dalaga dahil sa mga mabubuting katangian nito.
“Like what Chanda said, hindi mahirap na mahalin si Herlene kasi napakamagalang niya. The first day that we met, what you see is what you get.
“She’s a very honest person and that’s what I love about her. Kung anuman yung lumabas sa bibig niya, ganoon siya.
“Siya yun. Wala siyang pretensions. Gustung-gusto ko yun.She’s so so real and very honest to herself, pati na rin sa aming mga katrabaho niya.
“At napakamagalang niya. She’s so eager to learn. She’s so eager to be a good actor. Eager siyang magkaroon ng maganda at maayos na pangalan sa sarili niya, plus the fact na alaga niya yung pamilya niya. Malaking bagay na ang priority niya yung tatay niya at mahal na mahal niya yung nanay niya.
“Ang tawag na nga niya sa akin, nanay, so it was easy for us to become very, very close. Parang anak na rin ang tingin ko sa kanya,” ani Sandy na pinatotohanan ang sinabi ni Herlene na hirap na hirap ito na makawala sa karakter na ginampanan sa Magandang Dilag.
“Kapag nga lang talagang mabigat ang eksena, naaawa ako sa kanya. Bigay na bigay talaga yung pag-iyak niya na to the point na kahit nag-cut na si Direk, talagang tuluy-tuloy pa rin ang pagngawngaw niya na kailangan, kahit papaano anuhin mo siya na ‘okay lang, breath in, breath out. Okay na, tapos na yun.’
“Buung-buo ang pagbigay niya sa role at bagay na bagay talaga sa kanya. It's really for her,” ang mga pahayag ni Sandy na kontra sa mga lumalabas na balita na naging problema si Herlene sa taping ng Magandang Dilag kaya natagalan ito bago maipalabas sa telebisyon.