PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Verzosa's Cannes Low-key Kabogera

Kylie Verzosa, na-feature sa Hong Kong newspaper na South China Morning Post.
by Jojo Gabinete
Published Jun 18, 2023
Kylie Verzosa at Cannes
Miss International 2016 Kylie Verzosa on making waves at 2023 Cannes Film Festival: "Nakaka-proud kasi it’s a Filipino talent showing ourselves to the world. Nakakataba ng puso kasi kapag nandoon ka, dala-dala mo sa shoulders yung Pilipinas."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @kylieverzosa Instagram

Ang pagdalo sa 76th Cannes Film Festival noong May 2023 ang hindi makalilimutang karanasan ni Kylie Verzosa.

Ginulat niya ang mga Pilipino dahil nakita na lamang siya na naglalakad sa red carpet sa unang araw at opisyal na pagbubukas ng isa sa mga prestigious film festival sa buong mundo.

READ: Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa make glamorous entrance at 2023 Cannes Film Festival red carpet

Tahimik na umalis ng Pilipinas si Kylie at hindi nito ipinamalita na may imbitasyon sa Cannes Film Festival kaya marami ang nasorpresa nang lumabas ang mga larawan niya sa iba’t ibang international news sites.

"Hindi ako ma-announce bago ko gawin. Mas gusto ko na gawin ko na lang at saka mas gusto ko na ginagawa ko yung trabaho ko. Hindi naman ako ma-broadcast," paliwanag ni Kylie tungkol sa walang ingay na pagpunta niya sa Cannes noong nakaraang buwan.

Pinag-usapan ang partisipasyon ni Kylie sa 76th Cannes Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagkilala sa kanya bilang isa sa Best Dressed Stars, napansin ng South China Morning Post ang mga alahas na ginamit niya kaya kasali ang pangalan niya sa listahan ng Best High Jewellery Look.

Sabi sa ulat ng Hongkong-based newspaper: "Filipino actress and Cannes newcomer Kylie Verzosa made a 'splash' at the premiere of Black Flies, dazzling in a pink display of sparkling mermaid-inspired style.

"She paired the one-of-a-kind blush-coloured dress by Mark Bumgarner with a custom-made diamond necklace by Filipino home-grown luxury jewellery brand Lvna by Drake Dustin.

"The Midnight Pink Tears necklace featured a magnificent 45-carat rare pink pear cut precious tourmaline gemstone centrepiece with a tantalising display of over 43.5-carat diamonds throughout."

Kylie Verzosa at South China Morning Post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Necklace worn by Kylie Verzosa at Cannes now valued at PHP37.8M from PHP24.5M

READ: Kylie Verzosa's favorite bling is a Lvna necklace worth PHP24.5 million

Nasorpresa raw talaga si Kylie nang mabasa ito.

"Siyempre baguhan lang ako sa Cannes, di ba? Pero nung una akong lumabas, ang dami nang Best Dressed List. Nasama pa ako sa Best Dressed and Jewelry List.

"Nakaka-proud kasi it’s a Filipino talent showing ourselves to the world. Nakakataba ng puso kasi kapag nandoon ka, dala-dala mo sa shoulders yung Pilipinas.

"Parang hindi lang ito yung puwede ninyong... how you see us. Pero puwede rin kaming maging confident, puwede rin kaming mag-shine.

"Happy ako na nadala ko naman ‘yung Pilipinas."

Nagkakahalaga ng halos PHP50 million ang mga alahas na isinuot niya mula sa LVNA by Drake Dustin.

Labis na ikinatuwa ni Drake, CEO ng jewelry brand, ang ulat ng South China Morning Post tungkol sa kuwintas ni Kylie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw inasahan ni Drake na matutupad sa 76th Cannes ang kanyang pangarap na mapansin sa isang international at prestigious event ang mga alahas na nilikha ng kompanya niya.

"Cannes is like the MET Gala. Parang shocked kaming lahat. Nagulat kami," ang reaksyon ni Drake.

Sa sobrang tuwa ni Drake, niregaluhan niya si Kylie ng isang mamahaling singsing nang dumalo ang former beauty queen-turned-actress sa pagbubukas ng bagong branch ng jewelry brand sa Shangri-La Mall Plaza.

"Super happy ako sa jewelry. He just gave me a ring now, I’m so happy," ang nakangiting pagkumpirma ni Kylie habang ipinapakita niya sa entertainment press ang nasabing singsing.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2016 Kylie Verzosa on making waves at 2023 Cannes Film Festival: "Nakaka-proud kasi it’s a Filipino talent showing ourselves to the world. Nakakataba ng puso kasi kapag nandoon ka, dala-dala mo sa shoulders yung Pilipinas."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @kylieverzosa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results