PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Susan Enriquez & Matteo Guidicelli Success

Tabi AshMatt, narito na ang San-G tandem!
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2023
susan enriquez matteo guidicelli
Pinuntahan nina Susan Enriquez at Matteo Guidicelli ang Daraga, Albay upang bisitahin ang evacuation center na pansamantalang tinutukuyan ng ating mga kababayang apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
PHOTO/S: Screen grab from Unang Hirit

Hindi lamang si Sarah Geronimo ang babae sa buhay ngayon ni Matteo Guidicelli na nagsisimula sa letrang "S" ang pangalan—kundi pati na si Susan Enriquez.

Pumatok sa Unang Hirit viewers ang "San-G" tandem nina Susan at Matteo kaya ang segment nila sa early morning program ng GMA-7 ang isa sa mga inaabangan.

Magkasama sina Susan at Matteo na bumisita sa Daraga, Albay, ngayong Martes ng umaga, June 20, 2023, dahil binisita nila sa isang evacuation center ang ating mga kababayang apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

susan enriquez matteo guidicelli albay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reservist si Matteo ng Philippine Army at sa tulong ng mga miyembro nito, namahagi sila ni Susan ng mga pagkain at relief goods sa mga kababayan nating lumikas mula sa kanilang mga tahanan para makaiwas sa pinsalang maaaring idulot ng pagsabog ng bulkan.

susan enriquez matteo guidicelli albay

Bago bumiyahe sa Albay ang dalawa, pinuntahan ni Matteo at ng misis nitong si Sarah Geronimo ang Hacienda Balustre Cerca ni Susan sa Indang, Cavite, noong Linggo, June 18.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iniidolo ni Susan si Sarah kaya masayang-masaya siya nang makilala niya nang personal ang singer-actress.

"Ang akala ko nga mga Kapuso, best friends na kami ni Tita Susan. Pero nung nandoon na ako, wala nang pakialam sa akin. Kay Sarah na lang!" natatawang kuwento ni Matteo.

susan enriquez matteo sarah

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinida ni Matteo na natikman niya sa farm ni Susan ang pinakamasarap na itlog na maalat at gandang-ganda siya sa hacienda ng kanyang Unang Hirit partner.

“Sobrang ganda tapos Airbnb pa. Napakaganda ng mga kuwarto. Dapat mag-outing tayong lahat doon," imbitasyon ni Matteo na kumportableng-komportable na sa bagong pamilya niya sa Unang Hirit.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinuntahan nina Susan Enriquez at Matteo Guidicelli ang Daraga, Albay upang bisitahin ang evacuation center na pansamantalang tinutukuyan ng ating mga kababayang apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
PHOTO/S: Screen grab from Unang Hirit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results