Palimos ng Pag-ibig at Maging Akin Ka Lamang ang pamagat ng mga pelikulang akmang-akma sa kinahinatnan ng pagmamahalan ng aktres at ng kanyang dating karelasyon.
Ginagawa kasi ng aktres ang lahat para magkabalikan sila.
"Namamalimos" ng pagmamahal ang aktres dahil matindi ang panunuyong ginagawa nito sa ex-boyfriend niya para balikan siya.
Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin ng aktres ang karelasyon na nasakal nang husto sa pagiging diktador at manipulative niya kaya hiniwalayan siya.
READ Main host hindi compatible sa format ng show?
Magaling sa emotional blackmail ang aktres, pero hindi ito nagtagumpay dahil sa kabila ng kanyang mga pagmamakaawa, matatag ang desisyon ng lalakeng huwag na siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon.
Ang mga kaibigan ng aktres ang nagsabing hindi ito basta tumatanggap ng pagkatalo lalo na kung mahal na mahal niya ang isang lalake.
At tulad ng kasabihang “Hell hath no fury like a woman scorned,” siguradong may gagawin siya para makapaghiganti at maghilom ang sugat ng kanyang nasaktang pride.
READ Magandang Aktres, kinikilalang Miss Take sa set ng pinagbibidahang serye
Totoo ang pahayag ng mga kaibigan ng aktres dahil unti-unti nang naglalabasan ngayon ang mga scripted na paninira niya laban sa dating karelasyon.
Pero hindi nagpapaapekto ang lalake na ang tanging sandata ay pagsasabi ng katotohanan.
Nakahanda ang ex-boyfriend sa lahat ng klase ng demolition job laban sa kanya dahil alam niyang may kakayahan ang aktres na siraan siya at magpaawa nang husto para makuha ang simpatiya ng publiko.
READ Controversial actress, nabuntis ng controversial din niyang boyfriend