PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricci Rivero sinabihan ""Ang anak ninyo, cheater"" sa mall

Ricci, sinagot kung nag-live-in sila ni Andrea Brillantes bago sila nag-break.
by Jojo Gabinete
Published Jun 26, 2023
ricci rivero parents
Bago at matapos ang interview ni Ricci Rivero (kanan) sa Fast Talk With Boy Abunda ay sama-sama silang nagdasal ng kanyang mga magulang at manager.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network

Hindi naipalabas ang pangalawang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda kay Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, June 26, dahil nagkaroon ng technical problem.

Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes

Nangako si Boy Abunda na ipalalabas ang hindi natunghayang kabuuan ng panayam niya kay Ricci bukas, June 27.

Dito ay sinagot ang actor-basketball player ang mga kontrobersiyal na tanong, tulad ng balitang live-in o nagsasama na sila ni Andrea Brillantes sa iisang bahay bago naganap ang paghihiwalay nila.

Pinagpipistahan ng publiko ang breakup nina Ricci at Andrea at naging dahilan para putaktihin ng mga batikos, hindi lamang si Ricci kundi pati na rin ang pamilya nito.

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

Kasama ni Ricci sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang mga magulang na sina Paolo at Abigail. Pati na si Mark Salamat, ang manager mula sa Virtual Playground, ang talent management agency na nagpapatakbo at nangangalaga sa career ng actor-basketball player, na 25 na taong gulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamahan si Ricci ng mga magulang niya para mabigyan ng moral at emotional support.

Miyembro ng Christ’s Commission Fellowship ang pamilya ni Ricci kaya bago at pagkatapos ng panayam sa kanilang anak, sama-sama silang nagdasal para hingin ang basbas at magpasalamat sa Panginoong Diyos.

ricci rivero parents

Hindi sanay sa intriga at kontrobersiya ang pamilya ni Ricci kaya nalulungkot at nasasaktan sila sa mga nangyayari, lalupa’t malapit sa kanila si Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuring nina Paolo at Abigail si Andrea bilang tunay na anak na babae dahil puro lalake ang kanilang pitong anak.

Iyak nang iyak ang ina ni Ricci habang pinapanood nito ang panayam ni Boy sa kanyang anak.

Kinumpirma ng mga magulang ni Ricci na sinabihan sila ng "Ang anak ninyo, cheater" ng isang taong lumapit sa kanila habang nasa mall sila.

Hindi lamang ang mag-asawa ang tumatanggap ng mga batikos dahil biktima rin ng cyberbullying ang mga nakababatang kapatid ni Ricci at ang kanilang ibang mga kamag-anak.

Lalong napaluha si Abigail nang humingi sa kanila ng tawad si Ricci dahil nadamay sila sa cheating allegation, at tumatanggap ng masasakit na salita ang buong pamilya nila mula sa mga nakikisimpatiya kay Andrea na hindi alam ang tunay na kuwento ng naganap na hiwalayan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago at matapos ang interview ni Ricci Rivero (kanan) sa Fast Talk With Boy Abunda ay sama-sama silang nagdasal ng kanyang mga magulang at manager.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results