PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol, binalak umatras sa Miss Grand Philippines 2023

Herlene Budol, feel na hindi siya pananalunin sa Miss Grand Philippines.
by Jojo Gabinete
Published Jun 29, 2023
herlene budol miss grand philippines
Herlene Budol: “Ang hirap lumaban lalo na nung na-bash ako. Two days po akong tulala. Iyak ako nang iyak. First time ko po na nagkaroon ng ganoong karaming bashers.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram /

May kutob si Herlene Budol na hindi siya pananalunin sa Miss Grand Philippines 2023 kaya inisip niyang umatras, pero itutuloy ng Magandang Dilag star ang paglaban alang-alang sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Read: Herlene Budol pinupuntiryang makuha ang Miss Grand Philippines crown

“Ibinigay niya sa akin ang lahat ng kaligayahan na meron sa akin ngayon. Gusto ko naman yung kaligayahan niya.

“Ako naman po, hindi ako gumagawa ng bagay na hindi ako nag-agree sa sarili ko. This time po, walang kapalit. Last time kasi may bahay at lupa.

“This time talaga, gusto ko rin kasi masaya po ako kapag napasaya ko po si Sir Wilbert saka gusto ko rin naman po na may mapatunayan,” sabi ni Herlene nang makausap siya ng Cabinet Files.

Read: Herlene Budol proudly shows "Budol residence" to family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumasok sa isip ni Herlene na talikuran ang pagsali sa Miss Grand Philippines na magaganap ang koronasyon sa Mall of Asia Arena sa July 13, 2023, dahil sa matitinding batikos na tinanggap niya mula sa netizens na hindi nagustuhan ang kanyang mga sagot sa press conference na nangyari sa Crowne Plaza Manila Galleria Hotel noong June 20.

Read: Herlene Budol, nabatikos sa "pagpapakatotoo" niya sa Miss Grand Philippines 2023 interview

“Ang hirap lumaban lalo na nung na-bash ako. Two days po akong tulala. Iyak ako nang iyak. First time ko po na nagkaroon ng ganoong karaming bashers,” lahad ni Herlene.

Pinayuhan namin si Herlene na huwag na lang basahin ang mga komento, pero aniya, “Ang hirap po. Nagtatrabaho ako sa cellphone tapos yung notifications. May nagpi-PM [pivate message] sa akin na talagang, ‘T*ng*n*m* mo, b*b* ka naman. Hayop ka, sumali ka pa!’

“Meron pang nagsasabi, 'Graduate ba yan?' Hindi po ako sumasagot pero graduate naman po ako. Hindi lang ako nag-graduate nang matalino. Sabi lang graduate, hindi naman sinabi na perfect. Iba kasi yung school nila sa school ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagtu-tutor po ako ngayon ng English sa John Robert Powers. One-on-one.”

Itinanggi ni Herlene ang mga akusasyong lumaki na ang kanyang ulo dahil sa kasikatang tinatamasa niya sa kasalukuyan, lalupa’t mataas ang ratings ng bagong afternoon revenge series ng GMA 7 na pinagbibidahan niya.

Read: Co-stars ni Herlene Budol, nagrereklamo umano sa mga aberya sa taping ng 'Magandang Dilag'

“Hindi po. Depende yon sa tumitingin. Siguro kapag masaya ka lang palagi sa lahat ng blessings na dumarating sa yo, ang feeling nila, malaki na ang ulo mo,” depensa ni Herlene.

Sa tunay na buhay, mapaghiganti ka?

“Hindi naman po. I can forgive but I can’t forget.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol: “Ang hirap lumaban lalo na nung na-bash ako. Two days po akong tulala. Iyak ako nang iyak. First time ko po na nagkaroon ng ganoong karaming bashers.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram /
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results