Naganap ang grand coronation ng Mrs. Face of Tourism Philippines sa Clark, Pampanga, noong Sabado, July 1, 2023.
Pero dalawang araw bago ito, noong June 29, umatras sa pagsali ang dating sexy actress na si Sabrina M. Naguluhan daw kasi siya sa mga nangyayari.
Read: Sabrina M, Janina San Miguel to compete in Mrs. Face of Tourism Philippines 2023
“Paiba-iba sila ng criteria of judging at magulo ang nangyari kaya better to back out po,” pahayag ni Sabrina sa Cabinet Files tungkol sa kanyang pag-atras sa nabanggit na beauty pageant.
“Malabo talaga, magulo. Hindi ko alam kung ano ba ang exact words na puwede kong gamitin kung bakit nagkaganoon.
"Malaki po ang nagastos namin at efforts namin ni Ms. Pia Borromeo [her handler] na talagang hindi ako iniwan hanggang sa huli.
“Marami ang nagulat dahil wala ako sa coronation night. Halos lahat, ako ang hinahanap at may mga nagcha-chat sa akin, 'Bakit ganoon ang result ng winners?'"
Hindi umano nagsisisi si Sabrina sa kanyang pag-atras at ipinapaubaya na lamang sa Diyos ang mga nangyari.
Saad niya, “Bahala na ang Panginoon sa kanila. Sa ngayon po, wala muna akong planong sumali uli sa mga pageant.
"But if given the chance na meron, why not? I am not closing my door naman.
"But for now, I will focus more na magbalik-pelikula at telebisyon po."
Pinatotohanan ni Janina San Miguel ang mga sentimyento ni Sabrina dahil siya ang unang nag-backout sa mga opisyal na kandidata ng Mrs. Face of Tourism Philippines 2023.
Read: Janina San Miguel, nag-back out sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023
“Mas nasaktan si Sabrina. Kawawa naman dahil mismong pageant na siya nag-quit. Sayang ang lahat ng efforts niya.
“Hindi maayos ang organizers, directors. Pera-pera talaga to the point na binibili ang votes. Money contest talaga.
“May entrance fee pa nga diyan para makasali ka lang as official candidates.
"According to my fellow Binibini sisters, ganyan po talaga ang mga Mrs. Pageant, money contest.
“Nag-post [sa Facebook] yung nanay ng candidate na natalo. Super-ganda naman kasi ng anak niya pero wala lang pera kaya natalo.
"Yung isang candidate nga, nag-sponsor kaya ipinasok din na magkaroon ng crown kahit mataba,” rebelasyon ni Janina, na naging kontrobersiyal nang manalo siyang Bb. Pilipinas-World noong 2008 pero nagbitiw makalipas ang anim na buwan.
Gaya ni Sabrina, walang nararamdamang pagsisisi si Janina sa paglahok nito sa Mrs. Face of Tourism Philippines, pero nagpapasalamat siya dahil hindi niya ipinagpatuloy ang pagsali.
“Wala naman akong regrets dahil yung intention ko to promote our tourism industry, pero nalaman ko na hindi naman pala yon ang advocacy nila.
“Magulo nga magpatakbo. Like what Sabrina said, pabagu-bago,” sabi ni Janina.
Malakas ang loob ni Janina na magsalita para hindi na umano dumami ang maging biktima.
“Para po wala nang mabiktima ang mga Mrs. pageant na yan. Kawawa rin naman ang candidates.
“Ako pa ba? Kung indecent proposals nga [sa mga beauty queen] inilabas ko! Pati money contest, ilabas na din para maging maayos ang pageant industry.”
Sa palagay ba ni Janina ay nagamit siya ng Mrs. Face of Tourism Philippines Organization para mapag-usapan ang kanilang contest?
Sagot niya, “I think no naman. Kaya nga ako nag-quit agad para hindi magamit ang name ko at mas dumami ang sponsors nila.
“Kasi yung ibang sponsors, nag-sponsor kasi nga nandun ako. Sabi pa ng na-meet ko, ‘So you’re Janina, the famous…'”
Bukas ang Philippine Entertainment Portal sa panig ng Mrs. Face of Tourism Philippines Organization kaugnay ng mga naging pahayag nina Sabrina at Janina.