Nagalak at nanabik ang loyal followers ni Willie Revillame dahil sa music video na inilabas sa official Facebook page at YouTube channel ng Wowowin, Martes ng gabi, July 4, 2023.
Ang Wowowin ang popular TV program ni Willie na pansamantalang hindi napapanood pero nagbabadyang magbalik sa lalong madaling panahon.
Read: Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS
Kalakip ng video ang mga mensaheng ito: “Nami-miss ko na ang inyong hiyawan. Nami-miss ko na ang inyong palakpakan at nami-miss ko na ang inyong mga yakap.”



Hindi ipinagkakaila ang pangungulila ni Willie sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ng Wowowin.
May kurot sa puso ang kanta ni Willie na komposisyon ng award-winning musician na si Vehnee Saturno.
Bahagi ng lyrics nito:
Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita
Palakpakan at hiyawan ay nami-miss ko na
Mga yakap ninyo ay nais nang muling madama
Ako’y nasasabik kayo ay makasama
Ang buhay ko’y laan para sa inyo
Magbibigay-saya mula sa puso ko
Babalik ako, ligaya na sa puso ang mapasaya kayo
Babalik muli upang magsama-sama tayo
Ako’y ganyan sa inyo.
Marami nang pagsubok ang nalagpasan
Akala ko ay hindi ko na ito makakayanan
Kapag naiisip ko mga sigaw ninyo at tawanan
Muli lumalakas ang aking kalooban
Ang buhay ko ay laan para sa inyo
Magbibigay-saya mula sa puso ko
Babalik ako
Ligaya na sa puso ang mapasaya kayo.
Babalik muli upang magsama-sama tayo.
Ako’y ganyan sa inyo
Muli ay may liwanag
Muli ay may pag-asa sa bawat Pilipino
Magbibigay-saya
Muli’y naririto at makakasama
Ang handog ko ay ligaya at saya
Dahil sa music video na lumabas, lalong tumindi ang paniniwala ng mga supporter ni Willie na nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ng kanyang TV program.
Read: Willie Revillame, inalok ng mga Jalosjos na lumabas sa 'Eat Bulaga!'?
Kabilang sa mababasang komento sa kanyang music video:
"Yes!!! We’re waiting for you Kuya Will! Missing you, hang in there."
“Yes, thank you Lord, babalik na si Kuya Wil."
"Inaabangan na ng bawat Pilipino ang comeback mo Sir Wil."
"Sobrang miss ka na namin kuya."
"Wish ko po sa GMA ka ulit Kuya Wil."
"Kulang ang buhay kapag wala ka sa TV Sir Wil."