PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga maling impormasyong kumalat tungkol sa pagpanaw ni Mario Dumaual

Alamin ang mga detalye tungkol sa burol at libing ni Mario Dumaual...
by Jojo Gabinete
Published Jul 6, 2023
mario dumaual eddys
Magsisimula ang burol sa mga labi ng veteran ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual ngayong Huwebes ng hapon, July 6, 2023. Ihahatid naman siya sa kanyang huling hantungan sa Linggo, July 9.
PHOTO/S: Noel Orsal

Magsisimula ang lamay para sa ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa 25 Commonwealth Avenue, Matandang Balara, Quezon City, ngayong Huwebes ng hapon, July 6, 2023.

Nakatakda naman ang paglilibing sa kanyang mga labi sa Loyola Memorial Park, Marikina City, sa Linggo, July 9.

Isang buwang namalagi sa Philippine Heart Center si Mario mula nang magkaroon siya ng atake sa puso noong June 5, hanggang bawian ng buhay dahil sa septic shock noong July 5.

Read: Veteran ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual dies at 64

Mabilis na kumalat kahapon ang balita tungkol sa pagpanaw ni Mario, at ginawang scoop ng ibang mga tao ang kanyang pagkamatay.

Nauna nang mag-post sa social media ang ilang mga nakarinig sa balita. Naging insensitibo sila dahil hindi nila inisip na maaaring may mga importante at personal na rason kaya hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga naulilang pamilya ng yumao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ito sa mga ayaw na ayaw ni Mario noong nabubuhay pa ito.

Read: ABS-CBN bids farewell to veteran entertainment reporter Mario Dumaual

Kahit tungkol sa mga showbiz personality at entertainment industry ang kanyang mga report sa loob ng apatnapu’t isang (41) taon, pinahahalagahan ni Mario ang pribadong pamumuhay ng mga iyon. Kung kilalang-kilala natin siya, hindi niya magugustuhan ang mga lumalabas na balita tungkol sa kanya habang nakaratay sa ospital dahil mataas ang paggalang niya sa dignidad ng bawat isa.

Kung hindi rin naging excited sa kanilang mga social media post ang mga guilty individual at iginalang nila ang karapatan ng naulilang pamilya, naiwasan sana ang pagkalat ng mga maling detalye tungkol kay Mario.

Read: Mario Dumaual’s colleagues pay tribute to veteran entertainment reporter

Isang "reputable" news organization ang mabilis na naglabas sa kanilang website ng larawan ni Mario na may nakasulat na “Rest in Peace 1953-2023.”

Pero sa kanilang aktuwal na report, ito ang inilagay nila: “Entertainment journalist Mario Dumaual has died, his family confirmed to ABS-CBN News on Wednesday. He was 63 years old.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hinintay ng mga namamahala sa naturang news organization ang opisyal na pahayag ng naulilang pamilya ni Mario, hindi malalagay sa alanganing sitwasyon ang kanilang kredibilidad. Malalaman nilang 1958 ang taon ng kapanganakan ng namatay kaya hindi ito 70 years old nang bawian ng buhay.

Read: Celebrities mourn the passing of ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual

Simple arithmetic: kung 1953 ang birth year ni Mario, bakit 63 ang edad niya nang mamatay ang ulat ng news organization na aming tinutukoy?

Malinaw na ginamit na basehan ng nagsulat ng balita ang Wikipedia dahil nakalagay ritong "March 1, 1953" ang araw ng kapanganakan ni Mario—na nakorek na at press time.

Siguradong matatawa pero hindi matutuwa si Mario dahil importante sa kanyang tumpak ang pinakamaliliit at mahalagang detalye sa pag-uulat.

Sa tuwing may mga kilalang personalidad na namamayapa, palagi kaming nag-uusap at nagpapalitan ni Mario ng mga kuro-kuro para matiyak na tama ang mga edad at araw ng pagsilang ng aming mga isinusulat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming beses na pagkakataon na kasi naming napatunayan na hindi mapagkakatiwalaan ang ibang mga impormasyong mababasa sa Wikipedia.

Read: ABS-CBN News reporter Mario Dumaual, malaki ang pasasalamat sa Kapamilya network

Para sa ibang mga tao, maliit na bagay ang pagkakamali sa mga petsa ng kapanganakan, pero napakahalaga nito sa amin dahil karapatan ng publikong malaman ang katotohanan at hindi sila maging biktima ng mga panglilinlang.

Nang maglabas ang ABS-CBN News tungkol sa pagpanaw ni Mario kahapon, July 5, tinawagan agad namin ang isang tauhan nila para maituwid agad ang maling impormasyon sa kanilang inilabas na obituary na "July 31, 1959" ang kaarawan ng Star Patroller nila.

1958 ang tamang birth year ng pumanaw na entertainment journalist na itinuturing na icon sa aming propesyon.

Sa kanyang pagpanaw, hindi ang huling showbiz report niya sa TV Patrol ang huling pagkakataong mapapanood si Mario dahil may special participation ito sa isang international TV series na hindi pa ipinalalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalulungkot lamang na hindi natapos ni Mario ang kanyang partisipasyon dahil may isang malaking eksena o all-star cast na na hindi pa nakukunan at hindi na siya bahagi dahil sa paglisan niya na naghatid ng matinding kalungkutan sa pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimula ang burol sa mga labi ng veteran ABS-CBN entertainment reporter na si Mario Dumaual ngayong Huwebes ng hapon, July 6, 2023. Ihahatid naman siya sa kanyang huling hantungan sa Linggo, July 9.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results