Inamin ni Herlene Budol na ang dati niyang boyfriend ang nakipaghiwalay sa kanya at hanggang ngayon, pumapasok pa rin sa isip niya ang dating karelasyon.
Nang makausap si Herlene ng Cabinet Files, "selos" ang sinabi niyang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Read: Herlene Budol, isinakripisyo ang love life para sa showbiz career
“Siya po ang nakipag-break, nagselos po ata. Sabi ni Sir Wilbert Tolentino [manager ni Herlene], parang na-insecure daw po.
“Pero sabi po niya sa akin, babalikan niya ako kapag mayaman na siya,” pahayag ni Herlene na hindi binanggit ang pangalan ng dating kasintahan.
Dagdag pa niya, “Five years ang relasyon namin, first boyfriend ko siya.
"Palagi ko po siyang naiisip, pero parang feeling ko, career na lang muna.”
Pinaghahandaan nang husto ngayon ni Herlene ang grand coronation ng Miss Grand Philippines 2023 na magaganap sa Mall of Asia Arena sa July 19, 2023.
Gagawin daw ni Herlene ang lahat para magwagi kahit malakas ang kanyang kutob na hindi siya pananalunin.
“Mag-aartista na lang ako,” sabi ng bida ng Magandang Dilag.
Nagsalita na nang tapos si Herlene na ang Miss Grand Philippines ang huling beauty pageant na sasalihan dahil pagbibigyan lamang niya ang kanyang manager sa kagustuhan nitong lumahok siya sa nabanggit na patimpalak.
Read: Herlene Budol, binalak umatras sa Miss Grand Philippines 2023
Nakatakdang dumalo sa coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 sa darating na Huwebes si Miss Grand International Organization founder and President Nawat Itsaragrisil at ang reigning Miss Grand International 2022 Isabella Menin ng Brazil.
"Angkol" ang tawag ng lahat kay Nawat, at isang nagsusumamong mensahe ang nais iparating sa kanya ni Herlene sa pamamagitan ng social media post ng Kapuso comedienne kahapon, July 9, 2023.
Mensahe ni Herlene: “Dear Angkol, ako nga pala si Budolerang Hipon. Baka eto na ang best time para sa Pilipinas. Baka naman ako ang matagal mong hinahanap. Promise, hinding-hindi kta Bubudulin!
“Ako nga pala si Herlene Nicole Budol bente tres anyos at naniniwala sa kasabihan huwag mong subukan tangkain dayain at budulin ang Pilipinas this time, dahil ang lola ko mambabarang ay andyan lamang naka bantay sa likod mo lamang. Chariiizzz!
“Kantahan na lang kta Angkol, ‘Angkol Angkol I am near, crown me, crown me I am here.’”