Ang pagharana ni David Licauco sa Top 15 candidates ng Miss Grand Philippines 2023 ay nagpaalaala sa netizens ng viral video ni Luis Hontiveros nang maging guest performer ang huli sa Miss Pagadian 2023 noong nakaraang buwan.
Read: Luis Hontiveros, deadma sa mga batikos sa pagkanta niya ng "Jopay"
Kung ikukumpara sa disastrous rendition ni Luis sa 2005 popular song na "Jopay," medyo nasa tono ang boses ni David nang awitin nito ang "Wherever You Will Go" sa coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena, Huwebes, July 13.
Read: Nikki de Moura of Cagayan de Oro crowned Miss Grand Philippines 2023
Pero hindi harana ang ginawa ni David sa mga kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 dahil parang fans day lamang niya ang nangyari. Hindi siya nagkaroon ng interaction sa mga kandidata.
Dahil likas na mahiyain, mapapansing nahihiya at hindi komportable si David sa kanyang ginagawa.
Pre-recorded ang kanta ni David kaya lalong napunang hindi nito masyadong memoryado ang lyrics ng "Wherever You Will Go." Kulang na lang ay isubo niya ang microphone para matakpan ang kanyang bibig na dahilan ng mga hinalang may ghost singer siya.
Mula pa noon, nakasanayan na ng mga artistang hindi marunong kumanta ang gumamit ng mga ghost singer sa guestings at personal appearances dahil sa kagustuhang mapasaya ang kanilang mga tagahanga.
Hindi naman siguro kalabisan kung pag-aaralan at isasaulo nila ang lyrics ng kanta para hindi sila malagay sa alanganing sitwasyon, tulad ng nangyari kay David na nakatikom na ang bibig pero umaalingangaw pa rin sa loob ng MOA Arena ang pre-recorded song niya.
Samantala, "boring" ang reaksiyon ng karamihan sa netizens na nanood ng Miss Grand Philippines 2023, pero ipinagpatuloy pa rin nila ang pagsubaybay sa koronasyon.
Inabot ng alas-dos ng madaling-araw ang grand coronation dahil sa mga portion na hindi kailangan at puwede nang alisin para makatipid sa oras.
Read: Miss Grand PH 2023 bloopers: tameme and woohoo moments, kulang-sa-feelings singing
Nabagot ang manonood dahil pati ang mga hurado, tinanong ng pageant host na si Maria Gigante na hindi nauubusan ng mga sasabihin.
Para hindi na maulit ang ginawa ni Maria, dapat siyang paalalahanang tungkol sa mga kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 at hindi tungkol sa kanya ang okasyon.
Mabuti na lang, may isang Herlene Budol na inabangan ng online viewers ang mga paandar kaya tiniis nila ang pagkabagot na nararamdaman.
Read: Herlene Budol, agaw-eksena sa mga paandar niya sa Miss Grand Philippines 2023