Nagkaroon ng lamat ang kredibilidad ni Katrina Paula dahil sa kanyang sinabi sa programa ni Cristy Fermin sa One PH noong July 12, 2023 na walang katotohanan ang kuwento ng kaibigan niyang si Sabrina M. tungkol sa dating relasyon nito kay Rico Yan noong nabubuhay pa ang aktor.
Pahayag ni Katrina, “Walang relasyon na naganap sa kanila. Baka nagkatikiman sila, pero yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling.
“Pero hindi ko alam kung saan nanggaling yung two and a half years. Kung nagkaroon kayo ng one-night stand, baka one-night stand.
"Pero yung relasyon na two and a half years, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan. Noon pa.
“Hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin yung two and a half years na yon. Wala talagang ganoon.”
Read: Katrina Paula dispels Sabrina M.'s claim about past relationship with Rico Yan
Ayaw nang patulan ni Sabrina ang mga sinabi ni Katrina dahil siya umano ang nakarelasyon ni Rico at nakakaalam sa katotohanan.
"No comment" ang sagot ni Sabrina sa mga humihingi ng kanyang panig.
Sa panayam ni Cristy, ikinuwento ni Katrina na dinalaw nila noon ni Sabrina sina Rico at Marvin Agustin sa Fontana Resort sa Clark, Pampanga. Pero hindi binanggit ni Katrina na dati na siyang isinama ni Sabrina sa condominium building sa San Juan City na tinitirhan noon ng pumanaw na aktor.
Read: THEN AND NOW: Sabrina M.'s pageant journey, 30 years apart
May netizen ding nagpatotoo na nakita niya noong magkasama sina Sabrina at Rico sa isang gasoline station.

May isang episode din ng Whattamen—ang dating sitcom nina Rico, Marvin, at Dominic Ochoa sa ABS-CBN—na tinutukso si Rico kay Sabrina.
Isang netizen naman ang nagkomento na nasilayan niya si Sabrina na kulay itim ang suot sa araw ng libing ni Rico sa Manila Memorial Park noong April 4, 2002.

Nakipaglibing siya kay Rico at ininterbyu pa raw siya noon ng yumaong reporter na si Mario Dumaual ang claim ni Sabrina, na naninindigang pawang katotohanan lamang ang kanyang sinabi tungkol sa namagitan sa kanila ni Rico.
May full coverage noon ang ABS-CBN sa burol at paghahatid kay Rico sa huling hantungan nito. Kung may mag-aaksaya ng panahon na suriin at ilabas ang video, madaling mapatutunayan kung totoo o hindi ang mga pahayag ni Sabrina.