PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis Reacts to Lumpia Wrapper Meme

Anne Curtis, hindi napikon sa mga bumatikos sa kanyang gown.
by Jojo Gabinete
Published Jul 23, 2023
anne curtis at gma ball 2023
Lalong hinangaan ng netizens si Anne Curtis dahil hindi ito nagpakita ng pagkapikon sa mga unfavorable comment tungkol sa kanyang elegant dress.
PHOTO/S: Pau Guevarra / Twitter

Audrey Hepburn-inspired ang look ni Anne Curtis nang dumalo siya sa GMA Gala 2023 sa Marriott Hotel, Pasay City, nitong Sabado ng gabi, July 22.

Read: 'It’s Showtime' hosts attend their first GMA Gala: “Iba yung experience.”

Hindi lihim sa publiko na iniidolo ng actress-TV host ang American actress na itinuturing na style icon.

audrey hepburn anne curtis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Audrey Hepburn (left) and Anne Curtis (right)

Simple sa paningin ng iba ang elegant YSL evening gown na kasuotan ni Anne sa okasyong pinuntahan, pero pinatunayan niyang totoo ang kasabihang "less is more" dahil nag-uumapaw ang kanyang star quality at X-factor.

anne curtis at gma gala 2023

Sinunod ni Anne ang elegant formal theme ng GMA Gala pero, unfortunately, para sa mga hindi masyadong nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng salitang fashion, ikinumpara nila sa lumpia wrapper ang damit ni Anne na ginawan pa nila ng mga meme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

anne curtis at gma gala 2023

Apparently, nakarating agad kay Anne ang impresyon ng mga taong kaligayahan na ang makahanap ng maipipintas sa kapwa.

Pero hindi imbes na magpaapekto, sinakyan ng aktres ang lumabas na memes.

“Here, have some lumpia,” reaksiyon ni Anne na sinundan nito ng malutong na halakhak sa video na inilabas ni Vice Ganda nang magpalit siya ng damit at habang bitbit niya ang nakatiklop na evening gown na kanyang ginamit sa GMA Gala 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lalong hinangaan ng netizens ang karakter ni Anne dahil hindi ito nagpakita ng pagkapikon sa mga unfavorable comment tungkol sa kanyang elegant dress.

Kasama ni Anne na dumalo sa GMA Gala ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Read: Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, other surprise arrivals at GMA Gala 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang TV personality ang bumilib naman kay Vice dahil sa inasal nito sa event ng GMA-7.

Aniya, “In fairness, mega PR si Vice. Inikutan niya ang lahat ng table.”

Kaya parang nakabawi na ang TV host-comedian sa kanyang biro na binitiwan sa isang episode ng It’s Showtime noong August 2017 na naging kontrobersyal: "Kung sinasabing ang GMA ay ‘Where you belong, ‘ba’t sila naglilipatan?’”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lalong hinangaan ng netizens si Anne Curtis dahil hindi ito nagpakita ng pagkapikon sa mga unfavorable comment tungkol sa kanyang elegant dress.
PHOTO/S: Pau Guevarra / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results