Hindi muna mapapanood si TV star sa telebisyon.
Bakit? May dalawang bersiyon ang kuwento ng kanyang pamamaalam.
Ang unang bersiyon: Hindi na masaya si TV star sa format ng programa niya.
Ito diumano ang dahilan ng kanyang desisyong magpahinga, kahit may alok ang management ng TV network na i-renew ang kontrata niya.
Ang pangalawang bersiyon: May lamat na ang relasyon ni TV star sa namamahala sa show na kinabibilangan niya.
Ang hindi pagre-renew ng kontrata ang naisip na solusyon ni TV star para magkahiwa-hiwalay sila sa maayos na paraan.
Aling bersiyon ang totoo?
Ang sigurado, pansamantala lamang ang pagkawala ni TV star sa television scene dahil plano niyang bumalik sa January 2024.
Pero may mga pagbabagong mangyayari.
Una, si TV star na ang magpapatakbo o mamamahala sa produksiyon.
Pangalawa, ang concept na gusto niya ang masusunod dahil hindi na nga magiging bahagi ng kanyang grupo ang taong may kontrol sa lahat ng aspeto ng kanilang dating programa.