PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Trans Woman Wins Miss Trans Thailand 2023

Aumbun "Aum" Maikhao, wagi sa preliminary competition ng pageant.
by Jojo Gabinete
Published Jul 28, 2023
miss trans thailand 2023
Aumbun "Aum" Maikhao, who was born without lower leg, beats 76 other candidates to win the top prize in the preliminary competition of Miss Trans Thailand 2023.
PHOTO/S: Miss Trans Thailand 2023 YouTube

Ang 23-year-old Thai trans woman na si Aumbun "Aum" Maikhao ng Bueng Kan province sa Thailand ang top winner sa preliminary competition ng Miss Trans Thailand 2023 na idinaos sa Mambo Entertainment, Bangkok, noong Huwebes ng gabi, July 28, 2023.

Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

Pitumpu’t anim na kalahok mula sa iba’t ibang lalawigan ng Thailand ang tinalo ni Aum.

miss trans thailand 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na nakuha ni Aum ang atensiyon at suporta ng publiko dahil sa kanyang positibong pananaw sa buhay, sa kabila ng kapansanan niya.

Isinilang si Aum na walang binti at paa, pero hindi ito naging sagabal para hindi matupad ang kanyang pangarap sumali sa isang beauty pageant.

Mainit ang pagtanggap kay Aum ng manonood nang ipakilala niya ang sarili, pati na nang rumampa siya sa swimsuit at evening gown competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Aum na hindi hadlang ang kawalan niya ng mga paa para hindi siya sumali sa Miss Trans Thailand 2023.

Aniya, “If I can do it, you can do it too!”

Mabilis na nag-viral at pinag-usapan sa buong mundo ang video ni Aum sa preliminary competition ng beauty pageant na kanyang nilahukan. Hinangaan ng mga tao ang katapangan, determinasyon, at pagmamahal sa sarili na ipinamalas niya.

Para sa mga nakapanood ng mga performance video ni Aum sa Miss Trans Thailand, siya ang tunay na simbolo ng kagandahan dahil sa inspirasyong ibinibigay niya sa lahat.

Bukas, Sabado, July 29, magaganap ang final competition ng Miss Trans Thailand 2023, na pinag-uusapan at maingay dahil sa partisipasyon ni Aum.

Inaasahang marami ang susubaybay sa gabi ng koronasyon dahil kay Aum, na pinaniniwalaang malaki ang tsansang manalo sa beauty pageant na may slogan na "Open your mind, Open our freedom.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aumbun "Aum" Maikhao, who was born without lower leg, beats 76 other candidates to win the top prize in the preliminary competition of Miss Trans Thailand 2023.
PHOTO/S: Miss Trans Thailand 2023 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results