PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anna Magkawas, Host ni Negosyo Goals Season 2

Anna Magkawas, may shoutout para sa mga celeb entrepreneurs
by Jojo Gabinete
Published Jul 29, 2023 | Updated Jul 30, 2023
Anna Magkawas
Ivy Ataya
Entrepreneur and social media influencer Anna Magkawas (left), lubos ang pagpapasalamat sa Maker's Mind Media Production CEO na si Ivy Ataya, dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya bilang bagong host ng season 2 ng Negosyo Goals, na eere simula bukas, July 30, 11:30am sa All TV.

Mapapanood simula bukas, July 30, 2023, 11:30 am sa ALLTV ang Season 2 ng Negosyo Goals, pero hindi na basta segment host ang businesswoman at social media influencer na si Anna Magkawas, dahil siya na ang main host ng programa na may pangunahing layunin na makatuklas at makatulong sa mga maliliit na negosyanteng Pilipino.

Ang Maker’s Mind Media Production ni Ivy Ataya ang producer ng Negosyo Goals at siya ang nakapansin sa potensyal ni Anna bilang mahusay na host, kaya mula sa pagiging segment host ng Season 1, ipinagkatiwala niya sa kilalang businesswoman ang hosting job ng Season 2 ng kanilang television show.

Anna Magkawas
Ivy Ataya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nag-atubili si Anna na tanggapin ang alok ni Ataya dahil alam niya na mas marami pa siyang matutulungang mga baguhan na negosyante at negosyo sa pamamagitan ng Negosyo Goals.

“Sa Season 1, segment host po ako so meaning meron lang akong isang portion, yun lang ang participation ko.

“But sa Season 2, as a main host, sobrang kinain na yung buong oras ko, buong araw ko, but for me, it’s a commitment and it’s an opportunity as well, so ibinigay ko talaga yung aking puso at dedication.

“One reason kung bakit tinanggap ko itong hosting job ng Season 2 ng Negosyo Goals is because gusto kong i-explore ang bawat business, bawat produkto na meron tayo rito sa Pilipinas.

“Kasi ang daming mga small entrepreneur na ang laki-laki ng potensyal pero kulang sa promotion at exposure o kakayahan kung paano pa nila mas mapalalago yung mga negosyo nila,” ang kuwento ni Anna na lubos ang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya ni Ataya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m very excited na masaya itong mga pupuntahan natin, ganitong business ang pag-uusapan natin, ganito ang produkto nila, ganito sila nagsimula.

“Nakaka-relate ako and at the same time, nakakakuha rin ako ng inspirasyon dahil sa kanila. Yung inspirasyon na yun ang mas maibabahagi natin sa viewers na baka sila, somehow, someday, magkaroon din ng sariling mga business,” ang dagdag na pahayag ni Anna na nagsabing bukas ang kanyang programa sa mga artista na may mga negosyo na nais na i-promote o ipaalam sa publiko.

“Welcome naman yung celebrities natin na ma-promote yung kanilang mga negosyo. Puwede kasing gamitin yung mga boses o influence nila para makatulong din sa mga struggling na negosyante.

“May mga case study kami na deserving din na kung ano yung abot ng makakaya namin na matulungan sila para makapag-start up ng negosyo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Entrepreneur and social media influencer Anna Magkawas (left), lubos ang pagpapasalamat sa Maker's Mind Media Production CEO na si Ivy Ataya, dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya bilang bagong host ng season 2 ng Negosyo Goals, na eere simula bukas, July 30, 11:30am sa All TV.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results