PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang's Memorable Meeting with Singer

Ano ang reaksyon ni Raymond Lauchengco kay Ronnie?
by Jojo Gabinete
Published Jul 30, 2023
Ronnie Liang, Raymond Lauchengco
Si Raymond Lauchengco (kanan) ang orihinal na singer ng latest single ngayon ni Ronnie Liang na "Saan Darating Ang Umaga?" Ano ang reaksyon nito nang magkita sila?
PHOTO/S: @ronnie liang IG / raymondlauchengco IG

Ang cover version niya sa classic song na "Saan Darating ang Umaga?" ang isa sa mga pinakapaborito ni Ronnie Liang at hindi niya malilimutan nang magkita sila noon ni Raymond Launchengco sa kanilang television guesting.

“That’s great!” ang reaksyon ni Raymond nang lapitan siya ni Ronnie para magpakilala at magbigay-pugay sa kanya.

Si Raymond ang original singer ng "Saan Darating ang Umaga?" na komposisyon ni George Canseco (April 23, 1934 – November 19, 2004).

Ginamit na theme song ito sa 1983 blockbuster movie na may katulad na pamagat at pinagbidahan nila nina Maricel Soriano, Nida Blanca, Nestor de Villa, at Jaypee de Guzman.

“I met Mr. Raymond Lauchengco when my own version of "Saan Darating ang Umaga?" was launched in a television show.

“I introduced myself and told him that I recorded a new version of the song and it’s a great honor and privilege to be chosen to record and met the original singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I remember his reply, ‘That’s great!’ Congratulations!’" ang kuwento ni Ronnie tungkol sa pagtatagpo nila ni Raymond.

Malakas ang impact ng pagkanta ni Ronnie sa "Saan Darating ang Umaga?" at may mga nagsasabi na mas nagustuhan nila ang pag-awit niya kumpara sa orihinal na bersyon.

"Nakakaiyak," ang reaksyon ng karamihan sa mga nakaririnig ng madamdamin at mula sa puso na pag-awit ni Ronnie sa kanta na pinasikat ni Raymond noong 1983.

At kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niya na muling i-record ang mapanakit na awit.

“It’s one of my OPM favorites and it’s my dream to record a new version so that my audience or listeners will appreciate it,” ang sabi ni Ronnie nang makausap siya ng Cabinet Files.

Hindi pa natutupad ang plano ni Ronnie tungkol sa "Saan Darating ang Umaga?" pero hinihiling niya sa lahat na suportahan ang kanyang bagong single na lalabas, ang cover version ng "Ngayon at Kailanman," ang 1977 hit song ni Basil Valdez na komposisyon pa rin ni Canseco na isa sa mga pinakamahusay na songwriter ng Pilipinas noong nabubuhay pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Raymond Lauchengco (kanan) ang orihinal na singer ng latest single ngayon ni Ronnie Liang na "Saan Darating Ang Umaga?" Ano ang reaksyon nito nang magkita sila?
PHOTO/S: @ronnie liang IG / raymondlauchengco IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results